PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dating beauty queen, kabilang sa mga nasawi sa lindol sa Myanmar

Mag-asawang OFW sa Myanmar, patuloy pa ring hinahanap.
by Jojo Gabinete
Published Apr 4, 2025
silimee miss tourism myanmar 2018
Miss Tourism Myanmar 2018 Silimee was among the victims of the 7.7-magnitude earthquake that hit Myanmar on March 28, 2025.
PHOTO/S: Facebook

Kabilang ang bangkay ni Miss Tourism Myanmar 2018 Silimee sa mga natagpuan sa gumuhong gusali ng Sky Villa condominium building sa Mandalay, Myanmar.

May labindalawang palapag ang Sky Villa na winasak ng malakas na lindol na nangyari noong Marso 28, 2025.

Kumitil ito ng maraming buhay at sumira sa mga ari-arian sa Bangkok, Thailand at sa Myanmar.

Kinumpirma ng Miss Tourism Myanmar organization ang pagpanaw ni Silimee.

Nakita ang walang buhay na katawan ni Silimee sa ilalim ng gumuhong gusali ng Sky Villa noong Miyerkules, Abril 2.

Si Silimee ang kinatawan ng Myanmar sa Miss Tourism World noong 2018.

Read: Liana Barrido, Patricia Payumo win global pageant titles

FILIPINO MUSIC TEACHER AND WIFE STILL MISSING

Ayon sa ulat ng Reuters, umabot na sa 3,085 ang bilang ng mga nasawi; 341 pa ang nawawala; at 4,715 ang nasugtaan dahil sa 7.7-magnitude na lindol.

Kasama sa mga nawawala at patuloy na hinahanap ang Filipino music teacher na si Edsil Jess Adalid at ang misis nitong si Alexis Gale.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tulad ni Silimee, naninirahan sina Edsil at Alexis sa Sky Villa.

Pero hanggang sa kasalukuyan, hindi pa natutukoy ng rescue team ang kanilang mga kinaroroonan pero nakita na ang mga personal na gamit nila.

Read: Mag-asawang OFW, still missing matapos ang earthquake sa Myanmar

Pinoy couple Edsil Jess Adalid at Alexis Gale still missing after earthquake in Myanmar
Pinoy couple Edsil Jess Adalid and Alexis Gale still missing after earthquake in Myanmar
Photo/s: Courtesy of Edsil Jess Adalid's kin
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Missing pa rin po,” sagot ng ng nakababatang kapatid ni Edsil na Dehm Howard Adalid nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Biyernes, Abril 4.

Ayon kay Dehm, labis na nag-aalala ang pamilya nila dahil wala pa silang natatanggap na balita.

Pero hindi nawawala ang kanilang pananalig sa Panginoong Diyos.

“We still believe in miracles, Lord,” sabi ni Dehm na labis ang pangungulila sa kanyang kapatid at hipag.

Nagpunta sina Edsil at Alexis sa Myanmar noong 2023 para magtrabaho sa Mandalay International School of Acumen sa Mandalay, Myanmar.

Gaya ni Dehm, umaasa rin ng himala ang ina ni Edsil na si Hermosila Adalid.

Sinabi ni Hermosila sa Facebook post nito: “Lord, give us a miracle. We pray that they are still alive. Lead the rescue team to search for them without hindrance. Jesus, I trust in you.”

Read: 2,000-year-old Gaziantep Castle sa Turkiye, isa sa mga na-damage sa 7.8-magnitude earthquake

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Tourism Myanmar 2018 Silimee was among the victims of the 7.7-magnitude earthquake that hit Myanmar on March 28, 2025.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results