PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buboy, kinumpirmang may anak na si Angillyn sa bagong karelasyon

Buboy Villar, sasagutin na ang mga paratang ni Angillyn Gorens sa Fast Talk.
by PEP Troika
Published Apr 4, 2025
buboy villar angillyn gorens
Buboy Villar confims report that his ex-partner Angillyn Gorens has already a child with her new partner.
PHOTO/S: Instagram

Kinumpirma ni Buboy Villar sa Cabinet Files ang balitang may ibang anak na rin ang kanyang ex-live-in partner na si Angillyn Gorens sa karelasyon nito sa Amerika.

Nakarating sa Cabinet Files ang balitang pagkakaroon umano ng anak ni Angillyn matapos ang relasyon nila ni Buboy.

Ito ang aming itinanong kay Buboy nang makita namin siya noong Huwebes, Abril 3, 2025.

Read: Buboy Villar denies physical-abuse allegation of Angillyn Gorens

Ipinagtapat ni Buboy na may anak na lalaki si Angillyn sa karelasyon nito, pero hindi siya nakatitiyak sa edad ng bata.

Sinabi lamang ni Buboy na sa pagkakaalam niya, naglalakad na ang anak ng kanyang dating karelasyon.

Ang rebelasyon ni Buboy ang kumpirmasyong bago pa biniyayaan ng anak ang pagsasama nila ng kanyang current live-in partner na si Isay Sampiano, nauna nang nagkaroon ng anak si Angillyn sa ibang lalaki.

Walong taon na ang nakalilipas buhat nang maghiwalay sina Buboy at Angillyn. Inamin nila sa publiko ang katotohanan noong Oktubre 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angillyn Gorens claims she was physically abused by Buboy Villar

ANGILLYN ON BUBOY

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angillyn noong Marso 24, 2025, nabanggit niyang naninirahan at nagtatrabaho siya sa Amerika para sa dalawang anak nila ni Buboy na may edad na 7 at 5.

Sa nasabi ring panayam ay sinabi ni Angillyn ang mga pagkukulang umano ni Buboy, tulad ng nabawasang sustento at kawalan ng panahon sa pagbisita sa mga anak nila.

Naglabas din ng hinaing si Angillyn na ayaw nitong ginagamit sa mga interbyu at bilang content sa mga vlog nina Buboy at Isay ang kanyang mga anak.

Hindi nabanggt ni Angillyn na may bago na rin siyang karelasyon at may anak na sila.

Read: Angillyn Gorens speaks up about Buboy Villar's new partner, baby

Ngayong Biyernes ng hapon, Abril 4, si Buboy ang bisita showbiz talk show ng GMA-7 na Fast Talk with Boy Abunda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasahang sasagutin at itutuwid ni Buboy ang mga paratang ni Angillyn laban sa kanya.

Inaasahan ding babanggitin ni Buboy ang pagkakaroon ng anak ni Angillyn sa karelasyon nito para higit maunawaan ng mga tao ang sitwasyon nila, ang mga tunay na nangyari at nagaganap ngayon sa kanilang mga personal na buhay.

Read: Buboy Villar, umurong sa Fast Talk With Boy Abunda interview

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buboy Villar confims report that his ex-partner Angillyn Gorens has already a child with her new partner.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results