Naging makabuluhan ang proclamation rally para sa muling pagkandidato ni ER Ejercito bilang alkalde ng Pagsanjan, Laguna, nitong Miyerkules ng gabi, Abril 2, 2025.
Kasabay nito ay ginugunita rin ng kanyang pamilya ang 56th birth anniversary ni Maita Ejercito, ang asawa ni ER na binawian ng buhay noong Nobyembre 3, 2024.
Pumanaw si Maita dahil sa endometrial cancer.
Gaya ni ER — na naunang naging mayor ng Pagsanjan mula Hunyo 2001 hanggang Hunyo 2010 at nanungkulang gobernador ng Laguna mula Hunyo 2010 hanggang Mayo 2014 — naglingkod din bilang alkalde Pagsanjan si Maita.
Read: Former Pagsanjan mayor and actress Maita Sanchez dies at 55

PROCLAMATION RALLY
Noong nakaraang linggo, pinagtibay ng First Division ng Korte Suprema ang hatol kay ER na walong taong pagkabilanggo dahil sa kasong graft na isinampa laban sa kanya noong 2008.
Pinatawan din siya ng parusang “perpetual disqualification” o habambuhay na diskuwalipikasyon mula sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.
Read: Hatol na guilty kay ER Ejercito, kinatigan ng Korte Suprema
Sa kabila ng ipinataw na perpetual disqualification, itinuloy ni ER ang kanyang proclamation rally na idinaos sa plaza ng Pagsanjan kagabi.
Bago naganap ang proclamation rally, dumalo muna si ER, kasama ang kanyang mga anak at mga kapartido, sa isang misa na ginanap sa Our Lady of Guadalupe Parish Church ng Pagsanjan, Miyerkules ng umaga.
Kasama ni ER sa misa para sa kaarawan ng kanyang namayapang asawa ang mga anak nilang kumakandidato rin para sa iba’t ibang posisyon — ang aktor na si Jerico Ejercito na tumatakbong bise-gobernador ng lalawigan ng Laguna; si Jhulia na nag-aambisyong mahalal na board member ng 4th District; at si Jet Ejercito na kandidato sa pagkakonsehal sa Pagsanjan.
Pagkatapos ng banal na misa, nagkaroon ng campaign motorcade sa kanilang bayan ang mag-aama.
Read: ER Ejercito, naglabas ng saloobin sa hatol ng Supreme Court
Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.