Pinabulaanan ng Filipino singer at Journey lead vocalist na si Arnel Pineda ang kumalat na balitang pinatawan siya ng parusang habambuhay na pagkabilanggo ng isang korte sa San Francisco, California, dahil sa diumano’y pang-aabuso.
Ang fake news ito ay in-upload sa YouTube.
Read: Arnel Pineda offers to quit Journey following fans' criticisms


Sinagot ni Arnel ang isang Instagram follower niya na nagtanong tungkol dito.
Tanong ng follower: “What’s going on with the YouTube video about you being sentenced to life?”
Reaksiyon ni Arnel (published as is): “well im somewhere nice and the sentence was in Sanfo..do the math.”
Read: Journey frontman Arnel Pineda breaks silence over band feud
ARNEL PINEDA IN METRO MANILA
Klarong makikita sa Instagram post ni Arnel noong Sabado, Marso 29, 2025, na nasa Metro Manila siya.
Nagbahagi ang singer ng video kung saan makikita ang Metro Manila skyline mula sa kinaroroonan niya.
Mensahe pa niya rito, "#heatwave in #metromanila won’t stop me from enjoying my #unfiltered #sunsets."
View this post on Instagram
Ang pahiwatig ni Arnel na naririto siya sa Pilipinas at wala sa Amerika ang nakapagpalubag sa kalooban ng kanyang mga tagahanga na nabahala sa kasinungalingang balita na nag-collapse siya sa korte nang marinig ang hatol sa kanya.

Read: Arnel Pineda "almost zero" income; rises above his woes with a Christmas song