Hindi naging maganda ang resulta ng pagpapakilala ni Buboy Villar sa bagong partner nitong si Khrizza Mae “Isay” Sampiano at ang rebalasyong mayroon na silang three-month-old baby.
Ito ay dahil sa pagsasalita ng ex-live-in partner ng aktor na si Angillyn Gorens, na mayroong dalawang anak kay Buboy, edad pito at lima.
Nalaman ng publiko ang mga nangyayari sa personal na buhay ni Buboy nang sorpresahin siya ni Isay sa pagdiwang ng Kapuso comedian ng kanyang ika-27 kaarawan sa Your Honor noong Sabado, Marso 22, 2025.
Ang Your Honor ang vodcast program nina Buboy at Tuesday Vargas sa YouLol Originals, ang YouTube channel ng GMA-7.
Si Isay ang surprise guest sa birthday celebration ni Buboy.
Dito nabunyag sa publiko na meron na silang isang anak na bininyagan sa mismong kaarawan ng aktor noong Marso 21.
Read: Buboy Villar introduces girlfriend, baby boy on 27th birthday
ANGILLYN GORENS REACTS TO BUBOY VILLAR'S NEW FAMILY
Sa isang bahagi ng programa, napaluha si Isay nang ipagtapat ang diumano’y problemang pinagdaraanan nila ni Buboy.
Nagpasalamat din si Isay dahil tinanggap daw siya ng mga anak ni Buboy kay Angillyn.
Nagkaroon ng kontrobersiya ang pagsalita nina Isay at Buboy sa Your Honor dahil, sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinontra ni Angillyn ang ilan sa kanilang mga pahayag.
Ayon kay Angillyn, hindi problema sa kanyang may iba nang pamilya si Buboy pero ayaw niyang nagagamit ang mga anak niya kay Buboy sa vlogs ng aktor at ng bagong karelasyon nito.
Binanggit din ni Angillyn na, bukod sa nabawasan ang sustento sa kanyang mga anak, hindi na umano dumadalaw si Buboy sa mga bata.
Kinontra rin ni Angillyn ang pahayag ni Buboy na siya ang nag-aalaga sa kanilang dalawang anak.
Ayon kay Angillyn, nasa poder ng kanyang mga magulang ang mga anak nila ni Buboy.
Ang mga magulang at kapatid niya raw sa Pilipinas ang nag-aalaga sa mga bata habang nagtatrabaho siya sa Amerika.
Read: Angillyn Gorens speaks up about Buboy Villar's new partner, baby
VEYBILLYN GORENS CASTIGATES BUBOY AND ISAY
Hindi natapos kay Angillyn ang kontrobersiya dahil nagsalita na rin ang kapatid nitong si Veybillyn Gorens na marami ang pahayag sa social media laban kina Buboy at Isay.
Ito ngayon ang pinagpipistahan ng netizens.
Isiniwalat ni Veybillyn na bago ang pagbisita kamakailan nina Buboy at Isay sa mga anak ng aktor kay Angillyn, isang buwan daw na hindi dumalaw si Buboy.
Pagkastigo ni Veybillyn (published as is): “1 month nyo hindi dinalaw ung mga bata tapos kahapon dinalaw nyo? hahahaha. kasi????
“ganyan kayo kakups hindi nyo naaalala yung mga batang wala na nga yung nanay sa Pilipinas ikaw na nga lang anjan DAPAT para saknila TAPOS SASABIHIN NYO INSECURE YUNG NANAY?!
"KAHIT AKO NANAY NYAN MABABADTRIP AKO SA INYO
"porke may bagong baby KINAKALIMUTAN NYO!?
"ako ngang tita 2 times A WEEK KO PINUPUNTAHAN MGA ANAK NYO."
Read: Buboy Villar talks about long-distance co-parenting with ex-partner Angillyn Gorens
Hindi rin niya nagustuhang hindi imbitado sa pagdiriwang ng kaarawan ni Buboy ang mga anak ng aktor kay Angillyn.

Sinumbatan din ni Veybillyn si Isay bilang bagong partner ni Buboy.
Saad ni Veybillyn (published as is): "BUNTIS KA PA LANG KINAUSAP NAMIN KAYO.
"napakabait naming humarap sayo at pakiusapan ka na wag na wag nyo pabayaan mga bata dahil tatay lang andito sa pilipinas
"bigyan ng time at mahalin nyo yung dalawang bata.
“maayos tayo nag usap usap tapos pag-uwi ni angillyn ng america ano nangyare??? WALA!!!
"Di kayo maayos kausap tapos LAKAS LUOB KA JAN MAG REPLY NG GANYAN. step mother ka nyan ha!? HAHAHAHAHAHA.”
Read: Buboy Villar on breakup with Angillyn Gorens: “Mahalaga naman dun, maayos kaming dalawa.”
BUBOY-ANGILLYN LOVE STORY ON MAGPAKAILANMAN
Ayon pa kay Veybillyn, "scripted" ang kuwento ng pag-iibigan nina Buboy at Angillyn na isinadula sa GMA-7 drama anthology na Magpakailanman at ipinalabas noong Agosto 27, 2016.
Tinanggap daw nina Buboy at Angillyn ang pagsasadula ng kanilang love story dahil "walang-wala" ang mga ito noon.
Ngunit nilinaw ni Veybillyn na, taliwas sa napanood sa drama anthology, hindi umano "masamang tao" ang mga magulang nila ni Angillyn.
Post ni Veybillyn: “LAPAG KO NA DIN. yung [magpakailanman] ni Angillyn at nung tatay ng bata SCRIPTED PO. at bayad sila dun.
“HINDI MASAMANG TAO MGA MAGULANG KO.
"para sa pera dahil walang pera yung tatay ng mga bata nung mga araw na yun.
"walang-wala sila nung mga araw na yun
"nanay ko pa nga nagbayad ng upa nila isang taon.”
Ipinaliwanag din ni Veybillyn kung bakit isinapubliko ni Angillyn ang hinaing niya laban kay Buboy at sa bagong partner nito.
Hindi man niya idinetalye, ipinahiwatig ni Veybillyn na nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng kanyang ina at ni Buboy.
Aniya (published as is): “syempre may mga magsasabi bakit need ipublic???
“nag-brgy, nag-city hall na nga poooo sinagot sagot pa nanay ko nyan pero maayos ko pa rin kinausap yan
"at bakit pinu-public? malamang sa interview, ganap na ganap sila kahit yan stepmom paiyak-iyak pang tanggap daw sya ng mga anak???
“malamang wala nga silang alam kung sinoka at ano ka sa buhay nila eh. hahahaha."
Read: Buboy Villar breaks silence on breakup with Angillyn Gorens
Iginiit ni Veybillyn na walang inilabas na “baho” ni Buboy ang kanilang pamilya.
Ngayon na lamang daw sila nagsasalita dahil, diumano, sinagot-sagot ni Buboy ang ina nila ni Angillyn na 70-year-old at siyang nag-aalaga sa dalawang anak ng aktor.
Samantala, nakatakdang lumabas sa Fast Talk with Boy Abunda si Buboy bukas, Miyerkules, Marso 26.
Inaasahang sasagutin niya ang kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Angillyn at ng kanyang bagong karelasyon.