PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

David Chua, nalungkot sa pagkamatay ng amang minsan lang niya nakita

May ibinulong siya sa ama.
by Jojo Gabinete
Published Mar 23, 2025
David Chua mourns the death of his  Filipino-Gernamn dad, Geron Kummer Manilin Jr.
Hindi malapit ang relasyon ni David Chua sa kanyang Filipino-German dad na si Gerson Kummer Mallillin. Pero nalungkot siya sa pagkamatay nito. Aniya, "Ako, pinakawalan ko yung butas ng oportunidad na napakanipis. Sana pinuntahan ko siya kaysa nakausap ko siya na isa nang bangkay."
PHOTO/S: courtesy of David Chua

Nanghihinayang si David Chua na hindi niya nakausap ang kanyang ama bago ito binawian ng buhay.

Pumanaw si Gerson Kummer Mallillin, sa edad na 70, noong Biyernes, Marso 21, 2025.

“Sana nabigyan ko siya ng oras. Sana pinuntahan ko siya para nagkausap kami bago siya namatay,” ang malungkot na pahayag ni David sa Cabinet Files kahapon, Marso 22, 2025.

Aminado si David na hindi siya malapit sa namayapang ama.

Taong 2002 noong huli niyang nakita nang personal ito.

Ang form of communication nila ay sa pamamagitan lamang ng online messaging.

Aniya, “Kasi nakita ko yata siya noong buhay pa siya, once lang.

“Thirty-five years old na po ako, turning 36 sa March 26. Nakita ko siya, thirteen years old yata ako.

“Nagkakausap kami sa online lang pero minimal.”

Kaya ang mensahe ng actor-director sa lahat ng mga katulad niyang malayo ang kalooban sa mga magulang:

“Hindi ko sila masisisi kung meron silang tampo o galit sa dibdib nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero kung meron kayong ganoong klase na sitwasyon sa buhay, sana tanggalin na natin yung poot, yung galit.

"Nandoon na yung opportunity para makausap ninyo sila, yun na yun. Kapag nawala pa yun, paano mo pa kakausapin kung bangkay na?" ang sabi ni David.

Sana hindi niya pinakawalan ang pagkakataong makausap ang ama sa mga huling sandali ng buhay nito.

“Ako, pinakawalan ko yung butas ng oportunidad na napakanipis. Sana pinuntahan ko siya kaysa nakausap ko siya na isa nang bangkay."

Read:

Shaina Magdayao touched by David Chua's birthday surprise

Jackie Gonzaga on love life; spotted anew with David Chua

david chua
David Chua is currently giving politics a shot.
Photo/s: David Chua on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

david chua recalls the day his father died

Nang makarating kay David ang balitang namatay na ang kanyang ama noong Marso 21, nagpunta agad siya sa ospital at punerarya para bayaran ang mga gastos.

Nagkaroon si David ng pagkakataong humingi ng tawad sa tatay niya, kahit pa wala silang personal na relasyon at lumaki siya na walang kinikilalang ama.

“Noong sinabi sa akin kahapon [Biyernes, Marso 21] na sumakabilang-buhay na ang tatay ko, pinuntahan ko siya sa Antipolo.

“Inilabas ko sa hospital kasi walang panglabas, so ako ang naglabas.

"Ako rin ang nag-asikaso ng kanyang proper burial kasi ang huling bilin niya, gusto niya na i-cremate.

“Nasa freezer na siya nang makita ko. Sabi ko sa mga tauhan ng punerarya, ‘Puwedeng bigyan ninyo muna ako ng two minutes lang?’

“Lumabas sila, kinausap ko ang tatay ko, hinawakan ko ang ulo niya. Kinausap ko siya sa isip ko.

“Sabi ko, rest in peace. Pinapatawad ko na siya, sana ganoon din siya sa akin although may pagkukulang siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May ibinulong ako sa kanya. Sabi ko, ‘I’m sorry hindi kita napuntahan noong buhay ka pa. Napatawad na kita.'

“Nakahanap ako ng closure noong kinausap ko siya. Pagkatapos noon, parang lumuwag yung dibdib ko na parang yung dinadala ko dati, nawala na. Kasi alam ko, kakampi ko ang nanay ko, nasa langit na.

"Nagkaroon pa siguro ako ng isang anghel na kakampi ulit, kaliwa’t kanan na sila sa langit. Tingin ko naman po na tutulong sa akin,” ang kuwento ni David.

Hindi ba niya sinubukang magkaroon ng relasyon sa kanyang estranged father noong nabubuhay pa ito?

“Hindi na kasi medyo hindi kami mag-jive sa connection.

"Kumbaga, sumalangit nawa ang tatay ko, e, sabi niya sa akin, kaibigan daw niya si Andres Bonifacio saka si Jose Rizal.

“E, papaano naman yung timeline noon? Saka totoo raw yung UFO, nakakausap daw niya.

“Paano ka naman makaka-relate sa ganoong klase ng usapan, kung ganoon ang conversation ninyo? Tapos English speaking pa siya, e, hindi naman ako ma-English.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

david chua on similarities with his late father

Tanong din ng Cabinet Files kay David, wala bang pagkakapareho sa ugali nila?

“Ang tatay ko, parang rock star. Hindi naman happy-go-lucky pero kung anong gusto niya, gagawin niya.

“Sabi sa akin ng nag-aalaga sa kanya, ‘Kamukhang-kamukha mo ang tatay mo, pati sa pagporma.’

"Kasi nakita niya, naka-leather jacket ako, naka-boots. Alam niya na artista ako.

"Sabi sa akin ng nag-alaga sa kanya, proud na proud daw sa akin ang tatay ko. [Pag] lumakas daw...gusto akong makita.”

David Chua
David Chua
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba nangulila si David sa pagmamahal ng isang ama?

“Malaking bagay yung wala kang tatay. Lahat ng mga pinsan ko may pamilya, lahat sila kumpleto. Ako, nag-iisa. Namatay pa ang nanay ko noong 2020,” ang sagot ni David.

“Tapos nagsara pa noon ang ABS-CBN, nawalan ako ng trabaho, pandemic pa.

"Sunud-sunod pero ayoko nang isipin iyon kasi nakatayo naman ako ngayon. Kaya ko ang sarili ko, so okay na iyon.”

david chua's birthday wishes

Sa Marso 26 ang ika-36 na kaarawan ni David kaya tinanong ng Cabinet Files kung ano ang mga birthday wish niya.

May kinalaman pa rin sa mga pumanaw niyang magulang ang mga kahilingan niya.

“Ang birthday wish ko sa March 26, gusto ko muna yung kaluluwa ng aking mga minamahal, nanay ko, tatay ko, e, talagang mamayapa na.

"Yung talagang namamahinga na. Ayoko yung naliligaw pa yung mga kaluluwa nila, kung naniniwala ho kayo sa mga ganyan. Yun ang aking hiling."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humiling din si David ng para sa kanyang sarili.

Sa pagpapatuloy niya, "At siyempre, yung aking kalusugan kasi almost araw-araw, pukpukan na ang kampanya. Wala nang tulog.

“Saka pangatlong hiling ko, kung ano man ang ibibigay ng Panginoon, tatanggapin ko,” ang lahad ni David, na kumakandidatong konsehal sa ikalawang distrito ng lungsod ng Maynila sa halalang magaganap sa Mayo 12, 2025.

Dahil sa kanyang pagtakbo sa darating na eleksyon, pansamantala siyang nagpaalam bilang isa sa mga direktor ng Rated Korina, ang television news magazine show ni Korina Sanchez.

Sa darating na Lunes, Marso 24, isang birthday show ang iaalay ni David sa mga kababayan niya sa Maynila, at kabilang sina Korina, Shaina Magdayao, at Jay Durias sa mga inimbitahan niya.

“May ginagawa akong programa palagi dito sa Distrito Dos, yung Zumba, Todo sa Dos.

“Dahil birthday ko, naisip ko na itodo na ang Zumba sa March 24, 5 P.M. onwards. Ang magtuturo ng Zumba, sina Jopay Paguia at Joshua Zamora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Then after, may mga musical band na magpe-perform. Darating din sina Jay Durias, Shaina Magdayao, Korina Sanchez, at Mayonnaise band.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi malapit ang relasyon ni David Chua sa kanyang Filipino-German dad na si Gerson Kummer Mallillin. Pero nalungkot siya sa pagkamatay nito. Aniya, "Ako, pinakawalan ko yung butas ng oportunidad na napakanipis. Sana pinuntahan ko siya kaysa nakausap ko siya na isa nang bangkay."
PHOTO/S: courtesy of David Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results