Bukod sa pagiging aktor, singer at recording artist na rin si Andres Muhlach.
Simula sa Marso 21, 2025, mapapakinggan mula sa iba’t ibang audio streaming platforms ang cover version niya ng "Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko," ang 1974 hit song na pinasikat ng Hotdog band.
Read: Andres Muhlach: The Many Faces of a Leading Man
Tiyak na magugulat ang mga tagahanga ni Andres kapag narinig nila ang “soothing singing voice” ng kanilang iniidolong aktor dahil may ibubuga ito sa pagkanta, tulad ng kanyang kakambal na si Atasha Muhach.
Mabait, magalang, at mahiyain ang impresyon ng publiko kay Andres kaya walang mag-aakalang mahusay rin siyang mang-aawit.
View this post on Instagram
THE POWER OF ANG MUTYA NG SECTION E
Nasa tamang panahon ang release ng single ni Andres dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa Ang Mutya ng Section E, ang hit youth-oriented series ng Viva One na pinagbibidahan nila nina Ashtine Olviga at Rabin Angeles.
Read: Ashtine Olviga, memorable ang kissing scene with Andres Muhlach
Nasaksihan ang malakas na hatak sa tao ng cast ng Ang Mutya ng Section E sa jampacked panel discussion na dinaluhan nina Andres, Ashtine, Rabin, at ng direktor na si Theodore Boborol sa Philippine Book Festival sa Megatrade Hall ng SM Megamall, Mandaluyong City, noong Marso 15.
Noong Marso 16, tinatayang 100,000 ang bilang ng fans na dumalo sa meet-and-greet ng cast ng Ang Mutya ng Section E na ginanap sa SM Caloocan City.
Trivia: Sa mga hindi nakakaalam, sumikat ang "Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko" ng Hotdog nang idaos ang Miss Universe 1974 sa Folk Arts Theater, Pasay City, noong Hulyo 21,1974.
Ang itinanghal na Miss Universe 1974 ay si Amparo Muñoz ng Spain (Hunyo 21,1954 – Pebrero 27, 2011).
May puwang sa puso ng ina ni Andres na si Charlene Gonzalez ang "Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko" dahil ito rin ang title ng unang pelikulang ginawa niya sa Viva Films noong 1994.
Sina Dindi Gallardo, Niño Muhlach, at Andrew E. ang co-stars ni Charlene sa Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko.

Ipinalabas sa mga sinehan ang launching movie ni Charlene noong Mayo 6, 1994.
Noong Mayo 21, 1994, si Charlene ang kinatawan ng Pilipinas sa 43rd Miss Universe na idinaos sa Philippine International Convention Center, Pasay City.
Si Sushmita Sen ng India ang nagwaging Miss Universe 1994, samantalang Top 6 finisher at Best in National Costume si Charlene.
Read: 10 Unforgettable Things about 1994 Miss Universe Pageant in Manila