PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabin Angeles, nagbago ang mundo dahil sa Ang Mutya ng Section E

Rabin Angeles, itinuturing ang Ang Mutya ng Section E bilang big break.
by Jojo Gabinete
Published Mar 17, 2025
rabi angeles mutya ng section e
Rabin Angeles gains popularity along with Ang Mutya ng Section E co-stars Ashtine Olviga and Andres Muhlach. Rabin says about his co-stars, “Mababait at masasaya silang kasama sa trabaho kaya hindi po kami nahirapan sa pag-arte.”
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram

Hindi makapaniwala pero masayang-masaya si Rabin Angeles dahil sold-out na ang tickets para sa Section E Nation.

Ang Section E Nation ang ultimate fan meet-and-greet show ng cast ng Ang Mutya ng Section E na magaganap sa New Frontier Theater, Araneta City, Cubao, Quezon City, sa May 1, 2025.

At dahil sa matinding demand ay nagdadag pa ng isang araw, sa May 2, para ma-accommodate ang lahat ng fans na gustong makita ang cast ng show.

Ang Ang Mutya ng Section E ang hit youth-oriented series ng Viva One na pinangungunahan nila nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga.

Ang tagumpay at partisipasyon ni Rabin, 20, sa Ang Mutya ng Section E ang naging instrumento para magkaroon ng malaking interes sa kanya ang mga kabataang sumusubaybay sa sikat na serye ng Viva One.

Read: Andres Muhlach, tagumpay ang first solo project

View this post on Instagram

A post shared by VAA Live (@vaalive)

WHO IS RABIN ANGELES?

Sa panayam ng Cabinet Files, ipinakilala ni Rabin ang sarili at ibinahagi niya ang ibang impormasyon tungkol sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tunay na pangalan niya ay Rabin Josh Macarayo Angeles.

Ipinanganak siya noong November 14, 2004.

Dagdag pa niya: "I finished senior high school, but I have plans of continuing my education in the future.

“I was discovered by Direk Jason Paul Laxamana. Kinukulit ko siya na gusto kong maging isang artista.

“Finally, napansin po niya ang mga chat ko. He met up with me together with my mom and he enrolled me sa iba't ibang workshops.

"Kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa showbiz."

Ang unang acting project ni Rabin ay ang BL series na The Day I Loved You.

the day i loved you poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinundan ito ng The Ship Show, starring Heaven Peralejo and Marco Gallo, na isinulat at idinirek ni Direk Jason.

"Kasama rin po ako sa Penduko at may music video na dati kong ginawa," sabi ni Rabin.

Read: Andres Muhlach: The Many Faces of a Leading Man

MUTYA NG SECTION E

Itinuturing ni Rabin ang Mutya ng Section E na naghatid sa kanya ng malaking oportunidad sa showbiz at pag-arte.

Saad niya: “Ang Mutya ng Section E po ang talagang nagbigay sa akin ng break. Dito po talaga ako mas nakilala.

“Masaya po ako dahil unti-unti na akong nakikilala ng mga tao. Overwhelmed po ako sa mga reaksiyon nila.

“Kahit saan po ako magpunta, Yuri ang tawag nila sa akin. Mas marami na rin po akong nagiging kaibigan.

“Yung fans ko po, dati iilan lang pero ngayon ang dami na po. Hindi lamang sa Pilipinas, pati na rin sa ibang parte ng mundo. Nakakagulat at nakakataba po talaga ng puso.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ko po ine-expect na ganyan kagrabe ang pagtanggap ng mga tao sa buong cast at sa akin. Masaya po ako dahil napapasaya namin ang fans.

“After pa lang po ng cast reveal noong November 2024, marami na po ang nag-abang sa Mutya ng Section E.

“Nung una, kinakabahan po ako na baka hindi ko magampanan ang role ko as Yuri.

"Pero sa tulong po ni Direk Ted Boborol, nagawa ko naman po nang maayos at nakita ko po ang pagtanggap ng mga tao sa simula pa lang ng Episode 1.

"Kaya sinabi ko sa sarili ko na mag-aaral ako nang mabuti para mas maganda ang magiging kakalabasan ng series.”

Read: Andre Yllana, "muntik nang maging kapatid" si Andres Muhlach

ON WORKING WITH ANDRES AND ASHTINE

Nang kumustahin ang relasyon niya kina Andres at Ashtine bilang mga katrabaho, mga papuri ang mga salita na nanggaling mula kay Rabin.

ang nutya ng section cast
Rabin Angeles (left) with Ang Mutya ng Section E co-stars Ashtine Olviga and Andres Muhlach.
Photo/s: @vivaartistsagency on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya: "Nung una po kinakabahan ako. Siyempre, si Andres Muhlach po yan.

"Pero nung nakilala at nakasama ko na siya, parang kapatid ko na siya. Napakabait ni Andres, hindi ka maiilang kapag kasama mo siya.

“With Ashtine naman, nakasama ko na siya dati sa The Ship Show kaya hindi na po kami masyadong nagkakahiyaan.

“Mababait at masasaya silang kasama sa trabaho kaya hindi po kami nahirapan sa pag-arte.”

Tanggap ni Rabin na madalas siyang ikinukumpara sa Korean actors dahil sa kanyang hitsura.

Nangako rin siyang hinding-hindi magbabago ang ugali, kahit dumarami ang hukbo ng mga tagahanga niya.

Read: Ashtine Olviga, kinabahan sa kissing scene nila ni Andres Muhlach

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabin Angeles gains popularity along with Ang Mutya ng Section E co-stars Ashtine Olviga and Andres Muhlach. Rabin says about his co-stars, “Mababait at masasaya silang kasama sa trabaho kaya hindi po kami nahirapan sa pag-arte.”
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results