Natupad na ang pangarap ni Xian Lim na magkaroon ng sariling light aircraft dahil nabili na niya ang pinapangarap na sasakyang pang-himpapawid.
Read: Xian Lim, isa nang ganap na private pilot
Lumipad si Xian sa Brisbane, Queensland, Australia ngayong Linggo, Marso 16, 2025, para tingnan, inspeksyonin, at kunin ang personal light aircraft na kanyang binili.
"This is more than I ever dreamed of as a kid,” ang reaksyon ni Xian sa kanyang natupad na pangarap na magmay-ari ng eroplano.
Halos isang araw lamang si Xian sa Brisbane dahil babalik na siya sa Pilipinas sa Lunes, Marso 17, para iuwi sa Pilipinas ang light aircraft na isasakay niya sa barko.
Nitong Linggo, ipinakita ni Xian na kanyang Instagram followers ang mga larawan ng light aircraft na binili niya sa Australia.
Caption niya rito, "Pre-buy inspection, test flight at you’re mine."

Licensed pilot na si Xian at nagkaroon siya ng training sa pagpapalipad ng eroplano sa isang pilot training academy sa Subic, Zambales.
Nangyari noong Oktubre 2024 ang unang solo flight ni Xian at naging ganap na piloto siya noong Enero 2025.
Bilang isang private pilot, tatlong beses sa isang araw ang biyahe ni Xian sa iba’t ibang mga lugar—na dahilan kaya hindi siya masyadong aktibo sa showbiz.
