PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Molina, dinetalye ang tatlong beses na breakup nila ni Jerald

"Bonus lang po yung bed scenes."
by Jojo Gabinete
Published Mar 15, 2025
Jerald Napoles, Kim Molina
Jerald Napoles at Kim Molina (kanan): Ilang beses mang nagkahiwalay, sa engagement (kaliwa) pa rin nauwi ang kanilang relasyon.
PHOTO/S: Courtesy of VAA / @kimsmolina Instagram

Tatlong beses na naghiwalay pero tatlong beses na nagkabalikan sina Jerald Napoles at Kim Molina.

At ngayong engaged na sila, ang pagpapakasal na lamang ang hinihintay ng kanilang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga.

Ang pagkakaroon ni Jerald ng isang malaking katangian ang sinabi ni Kim na dahilan kaya kahit naghiwalay na sila, binabalikan pa rin niya ang lalaking kanyang gustong makasama sa habambuhay.

“Kasi malaki yung ano…puso niya," ang bitin at may kapilyahang paliwanag ni Kim tungkol sa paulit-ulit na pakikipagbalikan niya kay Jerald sa tuwing naghihiwalay sila.

"So siyempre, babalikan mo kapag malaki yung puso. But seriously, hindi ko alam, e.

"With Je, we’re friends talaga from Rak of Aegis pa. Tropa kami lahat and he knows me more than I know myself."

Ang Rak of Aegis ang stage musical na pareho nilang sinalihan nung 2014 kunsaan nakilala sila nang husto dahil sa kanilang pagganap bilang Aileen (Kim) at Tolits (Jerald).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Kim, "He’s just like me and parang may time na kapag hindi ko nahahanap kung sino ako, saan ako, he would always be there to look for me kaya siguro ako bumabalik.”

Napag-usapan ang paghihiwalay nina Jerald at Kim dahil sa Un-Ex You, ang pelikula nila na ipalalabas sa mga sinehan simula sa Abril 9, 2025.

Un-Ex You poster
Photo/s: Viva Films
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Detalyadong ikinuwento ni Kim sa ginanap na media conference ng Un-Ex You ang mga pagkakataon na winakasan nila ni Jerald ang kanilang relasyon.

“We broke up three times already. The first time, Rak of Aegis, 'tapos nagkabalikan kami.

"The second time, after three months, sabi may three-month rule, puwede nang mag-date uli? Siya uli ang date ko.

“Yung third time, it was the shoot of Ikaw at Ako at ang Ending [2021].

"During the shooting, nag-break kami kasi may problema kami noon. 'Tapos kinabukasan, may bed scene, nagkabalikan kami."

Kuwento pa niya tungkol sa pinaka-seryosong paghihiwalay nila ni Jerald na nangyari noong panahon ng pandemya, “Nag-shoot kami parang pandemic.

"So during the pandemic, nung time na yun nag-a-adjust kami as mag-live-in. So ang daming adjustments, plus we always work together.

“E, hindi naman po kasi talaga kami technically ilo-launch as a loveteam. Nagkataon lang that we live together so kailangan na magawan ng paraan na makapag-work.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So during those times, I think it was just a serious type, yung break up na yun.

"Just to make it clear, nag-usap kami. Nag-break kami but at the same time, we realized na yung mga iniisip namin na issues noon, ang liliit compared to kung gaano na kalaki yung samahan naming dalawa. Kaya nagkabalikan kami.

"Bonus lang po yung bed scenes,” salaysay pa ni Kim tungkol sa relasyon nila ni Jerald na pinatatag na ng panahon at ng kanilang malalim na pagmamahal sa isa’t isa.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles at Kim Molina (kanan): Ilang beses mang nagkahiwalay, sa engagement (kaliwa) pa rin nauwi ang kanilang relasyon.
PHOTO/S: Courtesy of VAA / @kimsmolina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results