Sina Vice-President Sara Duterte, Senator Robin Padilla, former presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang ilan sa mga personalidad na lumipad sa The Hague, Netherlands.
Naroon sila para saksihan ang pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) ngayong Biyernes ng gabi, 9 P.M., Marso 14, 2025 (Philippine time).
Mapapanood ang initial appearance hearing ni Duterte sa pamamagitan ng live coverage sa mga pangunahing news network sa Pilipinas.
Read: Ex-President Rodrigo Duterte first hearing at ICC set on March 14
HARRY ROQUE SURPRISE APPEARANCE
Kasama sina Sara at Robin, marami ang nasorpresa sa paglitaw ni Roque.
Ito ang unang beses na nasilayan ng publiko si Roque mula nang mapaulat na umalis siya sa Pilipinas noong Setyembre 2024, dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng sinalakay na Lucky South 99, ang Philippine Offshore Gaming Operators in the Philippines (POGO) firm sa Pampanga.
Read: AR dela Serna, kinumpirma ang joint bank account nila ni Roque
Sa panayam kay VP Sara, nagpasalamat ito sa lahat ng mga Pilipinong nagdarasal para sa kaligtasan at kalusugan ng kanyang ama, na nakakulong sa Scheveningen Prison, The Hague, dahil sa paratang na crime against humanity.
Sinabi naman ni Atty. Roque, spokesperson noon sa administrasyong Duterte, naghain siya ng dokumento para maging bahagi ng legal counsel ng dating Pangulo.
Sa ngayon, tanging si former executive secretary Atty. Salvador Medialdea ang kinikilala ng ICC bilang abogado ng nasasakdal.
Ayon kay Roque, may plano silang ipagpaliban ang nakatakdang pre-trial. Nais nilang magkita muna ang mag-amang Duterte.
Saad niya: “The Vice-President, of course, is here as a member of the family and she will be in the gallery to witness the first hearing.
“So, hindi ko po alam kung mapagbibigyan ang hinihiling namin na ipagpaliban, pero wala naman akong dahilan na naisip para hindi mapagbigyan yan kasi wala naman pupuntahan si Presidente Rodrigo Duterte.
"Nariyan na siya sa kulungan dito sa The Hague.
“So, ipagpaliban ninyo na ngayon kasi hindi pa namin nakikita ang dating Presidente.
"Buong araw kahapon, hindi siya nakita dahil, diumano, siya ay binigyan ng medical examination."
Read: Ex-President Rodrigo Duterte now detained at The Hague prison
Patuloy ni Roque: “Ang problema dito sa ICC, ang daming papel bago mo makita so we had just submitted the form to visit him para hindi naman kauna-unahang beses magkikita sila ni Vice-President dito sa hukuman.
“Ako, I feel strongly that before the hearing, not only should I be able to have access to him as a member of his counsel to the court, but the family should have access to him.
“Actually, ang priority ko is to make sure magkita muna silang mag-ama dahil ni hindi pa alam ni Presidente na nandito si Vice-President.
"Parang it’s not proper naman hindi alam nung ama na nandito yung anak.
"So, I am more or less attending on this first day of hearing a family matter, that I want them to see each other outside of the court first so they can have a private moment."
Read: FULL COPY: ICC Warrant of Arrest for Mr. Rodrigo Roa Duterte
KITTY DUTERTE ASKS FOR PRAYERS FOR HER FATHER
Samantala, sa pamamagitan ng Instagram story, hiniling ni Veronica "Kitty" Duterte na ipagdasal ng mga Pilipino ang kanyang ama na haharap sa hukuman ng ICC.
Narito ang kanyang buong post:

Si Kitty ay anak ni ex-President Duterte sa common-law wife niyang si Honeylet Avanceña.
Read: Kitty Duterte in fighting mode after ex-President Duterte's arrest