PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rape case laban kay Mayor Enrico Roque, ibinasura ng korte

Mayor Enrico Roque: "Salamat sa Diyos natuldukan na natin ito..."
by Jojo Gabinete
Published Mar 11, 2025
mayor enrico roque
Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque is grateful for the court decision on the rape case filed against him and two others. "Salamat sa Diyos natuldukan na natin ito, di ba, na talagang na-dismiss yung kaso, gawa-gawang kaso, gawa-gawang complainant, na napatunayan na rin talagang gawa-gawa lang ito para i-harass ako," says Roque in his interview with ABS-CBN News.
PHOTO/S: ABS-CBN News Facebook

Ibinasura ng korte ang kasong panggagahasa laban kay Pandi, Bulacan mayor at CineKo Productions producer Enrico Roque.

Kasama rin sa inabsuwelto sina Pandi Councilor Jonjon Roxas at Roel Raymundo Jr.

Read: Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque arrested on rape charges

Sa dalawang-pahinang resolusyon na may petsang Pebrero 25, 2025, ipinag-utos ni Caloocan Regional Trial Court Branch 121 Judge Rowena Violago Alejandria na ibasura ang reklamo laban kay Roque at sa mga kasama nitong akusado.

Kakulangan ng ebidensiya ang tinukoy na dahilan.

Ito ay dahil na rin sa paulit-ulit na hindi pagsipot sa korte ng nagreklamong babae nang dinidinig ang kasong inihain niya.

Base sa imbestigasyon na ginawa ng hukuman, napag-alamang hindi tunay na pangalan ang ginamit ng complainant at gawa-gawa lamang ang ibinigay niyang lugar na tinitirhan sa Caloocan City.

Base sa sertipikasyon mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), wala ring nakatalang Certificate of Live Birth, Certificate of Marriage, at Certificate of Death ang nagreklamo sa kanilang Civil Registry System database.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaresto si Roque noong Disyember 17, 2024.

Pero pinalaya siya makalipas ang ilang araw dahil ipinagkaloob ng Caloocan Regional Trial Court ang kanyang motion to quash dahil sa discrepancy o kaibahan ng address na ibinigay ng nagreklamo.

Read: Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque released from detention

Ipinag-utos ng korte na muling magkaroon ng imbestigasyon.

Noong Enero 22, 2025, naglabas ang Caloocan City Prosecutor’s Office ng Motion to Withdraw Information dahil sa “no reasonable certainty of conviction” laban kay Roque.

Noong Pebrero 10, 2025, boluntaryong sumuko si Roque sa PNP Pandi Police Station habang naghihintay siya ng pagsisimula ng pagdinig sa kaso laban sa kanya.

Pero binasura ito matapos ng dalawang beses na hindi pagsipot ng complainant.

THE COMPLAINT VS ROQUE, TWO OTHERS

Nag-ugat ang kasong panggagahasa laban kay Roque at sa mga kapwa akusado noong Abril 2019.

Sa akusasyon ng nagreklamo, naganap ang pang-aabuso sa kanya sa bahay umano ni Roque sa Langit Road, Bagong Silang, Caloocan City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa resolusyon ng Caloocan Department of Justice na may petsang Enero 22, 2025, binawi ang mga impormasyon laban kay Roque dahil sa hindi pagpapakita ng complainant.

Peke rin ang address na ibinigay ng complainant.

Gawa-gawa lang din ang medico-legal certificate na isinumite ng nagreklamo.

Wala ring record ng pangyayari sa blotter book ng Women and Children Protection Desk ng Caloocan City Police Station at ng Crime Information Reporting and Analysis Center ng Philippine National Police.

Read: James Blanco laments arrest of Mayor Enrico Roque for alleged rape

POLITICALLY MOTIVATED?

Naninindigan at naniniwala si Roque na politically motivated, paninira, at pag-atake sa pangalan at reputasyon niya ang diumano’y walang katotohanan at mabigat na paratang laban sa kanya.

Nakasaad sa opisyal na pahayag mula sa kampo ni Roque na ang nangyari sa kanya ay “blatant violation of his constitutional right to due process emphasizing injustice in the judicial system where a case prospered even without his knowledge and despite the same being filed by an evidently fictitious complainant.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag naman ng alkalde sa panayam ng ABS-CBN News: "Salamat sa Diyos natuldukan na natin ito, di ba, na talagang na-dismiss yung kaso, gawa-gawang kaso, gawa-gawang complainant, na napatunayan na rin talagang gawa-gawa lang ito para i-harass ako."

Bukod sa pagiging mayor ng Pandi, Bulacan, isa ring movie producer si Roque.

Siya ang may-ari ng Cineko Productions, na nag-produce ng mga pelikulang Family Matters (2022) at Family of Two (2023), na parehong naging entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Co-producer din si Roque ng MMFF 2024 official entry na Espantaho at ng comeback movie ni Hilda Koronel na Sisa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque is grateful for the court decision on the rape case filed against him and two others. "Salamat sa Diyos natuldukan na natin ito, di ba, na talagang na-dismiss yung kaso, gawa-gawang kaso, gawa-gawang complainant, na napatunayan na rin talagang gawa-gawa lang ito para i-harass ako," says Roque in his interview with ABS-CBN News.
PHOTO/S: ABS-CBN News Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results