PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Amiel Sol di makapaniwala sa success ng "Sa Bawat Sandali"

“Hindi ko akalain na mangyayari ito sa buhay ko,” ang sabi ni Amiel.
by Jojo Gabinete
Published Mar 9, 2025
Andres Muhlach, Ashtine Olviga, Amiel Sol
As of this writing nasa 5.4 million views na ang music video ng "Sa Bawat Sandali" kunsaan mapapanood ang "Ang Mutya ng Section E" lead stars na sina Andres Muhlach (kaliwa) at Ashtine Olviga (gitna). Kasama sa larawang ito ang singer at composer ng kanta na si Amiel Sol (kanan).
PHOTO/S: Courtesy of VAA

Kasado na ang kauna-unahan at pinakamalaking fan meet ng cast ng Ang Mutya ng Section E at magaganap ito sa May 1, 2025.

Ang phenomenal success ng Viva One original series—na pinangungunahan nina Andres Muhlach, Rabin Angeles, at Ashtine Olviga—ang dahilan kaya nagdesisyon ang Viva Entertainment na magdaos ng fan meet.

Maaga nilang inanunsyo ito para makapaghanda nang husto ang mga tagahanga na tumatangkilik sa Ang Mutya ng Section E.

Kasabay ng pagsikat ng lead stars ng programa ang popularidad ni Amiel Sol, ang indie singer-songwriter na sumulat at umawit ng "Sa Bawat Sandali," ang original soundtrack ng show.

As of this writing, meron na itong 24.5 million streams sa Spotify, 5.4 million views ang music video, pang-apat sa listahan ng YouTube Music Trending, at nangunguna sa Spotify’s Daily Top Songs PH chart.

Hindi makapaniwala si Amiel sa tagumpay ng "Sa Bawat Sandali" at ito ang kanyang ipinagtapat nang humarap siya sa mga miyembro ng entertainment press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko akalain na mangyayari ito sa buhay ko,” ang sabi ni Amiel.

“Sobrang thankful ko, sobrang surprised ko kasi hindi ko naman ine-expect na magiging ganito, magta-top sa charts ang kanta ko.

“Nung isinulat ko kasi ito, parang no expectations. Just like all of my other songs, isinulat ko lang ang kantang ito kasi yun ang nararamdaman ko.

"Sobrang thankful lang ako na umabot sa ganito,” lahad pa ni Amiel na BS Mathematics graduate mula sa University of The Philippines bago pumirma ng kontrata sa Viva Records.

Amiel Sol
BS Mathematics graduate si Amiel Sol at naging bahagi muna ng corporate world bago pumirma ng kontrata sa Viva Records.
Photo/s: Courtesy of Amiel Sol
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naranasan din ni Amiel na maging bahagi ng corporate world pero sa ngayon, full-time musician na siya dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanyang mga komposisyon.

“I graduated college, had a day job, left my day job, pursued music full-time,” ang sabi ni Amiel.

Ang "Di Na Akin" at "Ikaw Lang ang Patutunguhan" ang mga breakout hit ni Amiel na isinilang sa Araw ng mga Puso noong 1999, may twin brother, at mahusay tumugtog ng piano.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
As of this writing nasa 5.4 million views na ang music video ng "Sa Bawat Sandali" kunsaan mapapanood ang "Ang Mutya ng Section E" lead stars na sina Andres Muhlach (kaliwa) at Ashtine Olviga (gitna). Kasama sa larawang ito ang singer at composer ng kanta na si Amiel Sol (kanan).
PHOTO/S: Courtesy of VAA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results