PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Seth Fedelin wagi sa MIFF 2025

Mother Lily, ginawaran ng Monty Manibog Lifetime Achievement Award
by Jojo Gabinete
Published Mar 9, 2025
Seth Fedelin
Hindi man kinilala bilang best actor sa 50th Metro Manila Film Festival, wagi naman si Seth Fedelin sa 2nd Manila International Film Festival sa Hollywood ng Audience Best Actor award para sa kanyang pagganap sa "My Future You."
PHOTO/S: @roselle_monteverde Instagram

Masayang ibinalita ni Regal Entertainment Inc. CEO Roselle Monteverde ang tagumpay ng My Future You sa Gabi ng Parangal ng 2nd Manila International Film Festival [MIFF] na ginanap noong Biyernes, Marso 7, 2025, sa The Beverly Hilton, Beverly Hills, California, USA.

Sa pamamagitan ng Viber message sa Cabinet Files ngayong Sabado, Marso 8, sinabi ni Monteverde na si Seth Fedelin ang nanalong MIFF Audience Award for Best Actor at si Crisanto Aquino ang nagwagi ng MIFF Audience Award for Best Director.

May dahilan para matuwa si Monteverde dahil si Seth ang bida sa My Future You at si Aquino ang direktor ng pelikula sa ilalim ng produksyon ng Regal Entertainment Inc.

“What a night in the awards night of Manila International Film Festival!” pahayag ni Roselle sa Cabinet Files.

Bukod pa kasi sa parangal na tinanggap ng My Future You, pinarangalan din ng MIFF Monty Manibog Lifetime Achievement Award ang kanyang namayapa nang ina na si Mother Lily Monteverde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyang-parangal ang Regal Entertainment Inc. founder na pumanaw nung Agosto 4, 2024, dahil sa mga hindi matatawaran at hindi mapapantayang kontribusyon nito sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas.

RELATED STORY

Ang Monty Manibog Lifetime Achievement award ay ipinangalan ng film festival mula sa unang Filipino-American elected official sa Southern California, si Gonzalo Monte "Monty" Manibog. Isa siyang Olympian, abogado, humanitarian, at dating mayor ng Monterey Park, Southern California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang aktres na si Hilda Koronel ang unang ginawaran ng parangal na ito nung nakaraang taon.

Seth's Dream came True

“Marami ang nanood ng My Future You sa Hollywood,” lahad ni Roselle. “Ang sabi nga ni Seth, suntok sa buwan na maipalalabas ang movie niya sa Hollywood na pinangarap niya, three years ago. Dream come true para sa kanya. Ang daming Q&A after the screening.”

Espesyal sa puso ni Seth ang My Future You dahil ito ang kauna-unahang pelikula niya kaya lubos ang kanyang pasasalamat sa malaking tiwala na ipinagkaloob ng Regal Entertainment Inc.

Opisyal na kalahok ang My Future You sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre 2024. Hindi man pinalad si Seth na manalong best actor, binigyan naman siya ng Breakthrough Performance Award.

Pero ang tagumpay ni Seth sa Gabi ng Parangal ng MIFF 2025 ang nagpatunay na karapat-dapat siyang parangalan dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa My Future You.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi man kinilala bilang best actor sa 50th Metro Manila Film Festival, wagi naman si Seth Fedelin sa 2nd Manila International Film Festival sa Hollywood ng Audience Best Actor award para sa kanyang pagganap sa "My Future You."
PHOTO/S: @roselle_monteverde Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results