"Alam mo, kahit ako sexy star, Kuya Boy, masyado akong kuripot sa p*kp*k ko," prangkang pahayag ni Maria Isabel Lopez sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda noong Biyernes, Marso 7, 2025.
Kaswal at walang kamali-malisya ang sagot ni Isabel na ikinagulat ng mga tao sa loob ng GMA Network studio.
Pre-taped ang naturang episode at umere ang bahaging iyon ng pahayag ni Isabel, ngunit naka-bleep siyempre ang pagbanggit ng aktres sa maselang bahagi ng katawan ng isang babae.
Dahil sa pahayag ni Isabel, tinanong siya ng host na si Boy Abunda tungkol sa do's and don'ts niya sa mga kalalakihang nanliligaw sa kanya.
Sagot ng aktres: "I don’t say yes on the first date. And follow up to that, ayoko ng last-minute dates. Yung parang hindi ka pinaghandaan.
"Kailangan paghandaan ka. Hindi yung last minute na parang booty call na last minute.
"Kapag Friday night, if you wanna date me on a Friday night, at least call me mga Monday pa lang."
Sumunod na tanong ni Boy: "Do you kiss on the first date?"
"No, I don’t kiss on the first date," mabilis na sagot ni Isabel.
"Alam mo, kahit ako sexy star, Kuya Boy, masyado akong kuripot sa p*p*k ko," kaswal na bulalas ulit ni Isabel, na ang tinutukoy ay ang pagiging mapili niya sa pagkakaroon ng sexual partner.
May paliwanag si Isabel tungkol sa pagiging "kuripot" niya.
Noong dekada '80, siya ang ang unang beauty queen-actress na nagkaroon ng frontal nudity sa pelikula.
"Kasi nakikita na nga sa screen, e. Remember, I am the first Filipina na nag-frontal nudity.
"Tapos sa real life, ipapangalandakan mo pa yung sarili mo? So, hindi puwedeng ganoon," saad ni Isabel.
Read: Maria Isabel Lopez surprised by invitation from Bb. Pilipinas
maRIA ISABEL LOPEZ RECALLS GIRARD PETER MODELLING DAYS
Dating nagtatrabaho bilang lingerie model ng Girard Peter si Isabel bago siya sumali at nanalong 18th Bb. Pilipinas-Universe noong 1982.
Kontrobersiyal ang tagumpay ni Isabel sa patimpalak-kagandahang nilahukan.
Nang magwagi siya bilang Bb. Pilipinas-Universe 1982, marami ang nagprotesta, kabilang ang mga moralista, dahil sa pagiging Girard Peter model niya.
"Ang Girard Peter Model is basically entertainment for men," paliwanag ni Isabel.
"Ang mga babae dun, nagmo-model kami ng one-piece, two-piece lingeries. And then, ang majority ng audience namin mga lalaki.
"And then, from this Girard Peter came the ranks of our actresses like Carmi Martin, Anna Marie Gutierrez, ako, Malu dela Fuente, Emily Loren, and many more."
Maraming unforgettable experiences si Isabel bilang model ng Girard Peter.
"During the days in Girard Peter, I had to give up my career as a fashion designer, because modelling for that show, you earn four times your income.
"And you won’t believe this, but it’s one of the happiest stages of my life because it’s nice to be looked at, it’s nice to wear nice clothes. Even if you’re wearing lingerie, you look beautiful.
"And I was thankful that it was through that fashion modelling group na na-discover ako para maging Miss Philippines," pagbabalik-tanaw ni Isabel.
Read: Maria Isabel Lopez transition from beauty queen to sexy actress
maRIA ISABEL LOPEZ ON JOINING BINIBINING PILIPINAS 1982
Ang pumanaw na fashion designer na si Rudy Fuentes ang nagkumbinsi kay Isabel na sumali sa Binibining Pilipinas, sa kabila ng pag-aalinlangan niya dahil sexy model nga siya.
Lahad niya: "Nanonood si Rudy Fuentes, the fashion designer. And then, when he saw me there, he asked me na isasali niya ako sa Binibining Pilipinas.
"And then I told him, 'How can I win? I'm a sexy model.’ Sabi niya, ‘We won’t tell them.’
"Pero hindi mo naman maitago kasi yung board of judges namin, nanonood din ng Girard Peter.
"Ang host namin [sa Binibining Pilipinas 1982], si Ariel Ureta, nanonood din ng Girard Peter, so how can you hide it?"

Ayon kay Isabel, tila hindi uubra sa beauty pageants ngayon ang kandidatang sexy model.
"Iba na yung law ngayon. Kumbaga, nung time namin, ako lang yung nakalusot na beauty queen na sexy model.
"Ngayon talaga, nasa rules and regulations na ngayon ng Binbining Pilipinas na hindi ka puwedeng mag-pose sa men's magazines.
"Kinakailangan, decent yung mga magazine covers mo. If ever you did pictorials, photo shoots, wala kang nude photos.
"Well, hindi ako agree sa mga batas na yan. Kulang na lang, ilagay dun na virgin yung kanilang candidate, di ba?"
Read: Maria Isabel Lopez, Jonathan Melrod recite one-of-a-kind wedding vows
ISABEL LOPEZ ON BINIBINING PILIPINAS CLOSED-DOOR INTERVIEW
Tanong Ni Boy: "Were you asked if you were a virgin?"
Sagot ni Isabel, "Yes, I was asked in one of the pre-judging, closed doors [interview].
"Sinagot ko yung totoo, no! Alangan naman sabihin ko na virgin pa ako, no? Mukha ba itong virgin?"
Umabot daw sa punto na inusisa siya tungkol sa kanyang pagiging Girard Peter model.
"During the pageant night, pinull-out nila ako sa dressing room tapos kinuwestIyon ako. In-interrogate ako about my stint as Girard Peter model.
"Tinanong ako if I have any photographs... Tapos nung nag-isip ako, ting! Baka nga naman meron akong nude photographs?
"Tapos sabi ni Rita Gomez, 'Well, you better tell us the truth now because these things are coming out in the papers tomorrow.'"
Ang pumanaw nang beteranang aktres na si Rita Gomez ang isa sa mga hurado sa Binibining Pilipinas 1982.
Pagpapatuloy ni Isabel: "So, nag-isip ako. Wala naman akong nude photographs. Buti na lang, hindi uso yung mga selfie-selfie nung araw.
"Despite the fact na alam nila yung background ko na ganoon...
"And then, remember, Kuya Boy, kahit sabihin mo na UP [University of the Philippines] graduate ka, kahit sabihin mo na designer ka ng Rustan’s and SM, talagang hindi mako-cover up yung fact.
"Alam mo naman, Filipinos love gossips and intrigues. You’re gonna be judged pagdating sa morality."
Kung sakaling isasalin sa pelikula ang kanyang makulay at kontrobersiyal na kuwento ng buhay, "The Scandalous Life" ang pamagat na gusto ni Isabel dahil sa dami raw ng mga eskandalong kanyang naranasan, pinagdaanan, at nalampasan.