PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cremated remains ni Gloria Romero, nailagak sa family columbarium

Anak ni Gloria, napaluha nang pasalamatan ang mga nakiramay sa pagpanaw ng ina.
by Jojo Gabinete
Published Mar 8, 2025
Gloria Romero cremated remains
Gloria Romero, kapiling ang mga magulang sa kolumbaryo sa Our Lady of Mt. Carmel Shrine Parish sa New Manila, Quezon City.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network

Naganap noong Huwebes, Marso 6, 2025, ang inurnment ng cremated remains ni Gloria Romero, ang Philippine Movie Queen na sumakabilang-buhay sa edad na 91.

Ipinanganak si Gloria noong Disyembre 16, 1933 at pumanaw noong Enero 25, 2025.

Inilagak ang mga labi ni Romero sa Our Lady of Mt. Carmel Shrine Parish Crypt sa New Manila, Quezon City.

Kabilang sa mga sumaksi sa inurnment ang kanyang mga kaibigan mula sa entertainment industry—ang mga veteran actor na sina Nova Villa, Pepito Rodriguez, Daisy Romualdez, at ang mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Cruz.

Napaluha ang nag-iisang anak ni Romero na si Maritess Gutierrez nang pasalamatan nito ang lahat ng mga nakiramay sa kanila at dumalo sa inurnment ng nanay niya.

Lumuluha na inilahad ni Maritess ang pangungulila nito sa kanyang ina na mahal na mahal niya.

Ngayong Sabado ng hapon, Marso 8, 5:52 P.M., nakita si Maritess ng Cabinet Files sa Mt. Carmel Shrine Parish Crypt dahil dinalaw niya ang kolumbaryo ng kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalagak din sa Mt. Carmel Shrine Parish Crypt ang mga labi ni Juancho Gutierrez— ang asawa ni Gloria na isinilang noong Hulyo 19, 1932 at binawian ng buhay sa edad na 73 noong Oktubre 2, 2005.

Magkahiwalay ang mga kolumbaryo ng mag-asawa dahil ang mga labi ng magulang ni Gloria ang kasama nito—sina Mary Galla (Oktubre 25, 1917- Enero 18, 1945) at Pedro Galla (Hulyo 5, 1905-Abril 18, 1977).

Maagang naulila si Gloria sa ina, dahil labing-isang (11) taon pa lamang siya nang mamatay sa edad na 27 ang kanyang ina.

Dalawa ang pangalan ni Romero na nakasulat sa lapida—ang kanyang screen name na Gloria Romero at married name na Gloria Gutierrez.

Nakalagay rin sa lapida ang mga larawan nila ng kanyang magulang, na muling nakasama ni Gloria dahil nakalagak sa iisang kolumbaryo ang kanilang mga labi.

Makikita sa lapida na napapagitnaan ng mga larawan ng kanyang ina at ama ang dalawang litrato ni Romero na kuha noong kabataan niya at noong may edad na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gloria Romero, kapiling ang mga magulang sa kolumbaryo sa Our Lady of Mt. Carmel Shrine Parish sa New Manila, Quezon City.
PHOTO/S: Jojo Gabinete / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results