PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rash Flores, itinangging nakipag-collab sa leaked video scandal

Rash Flores, tinamaan ng matinding depresyon matapos umamin.
by Jojo Gabinete
Published Mar 2, 2025
rash flores leaked video scandal
Rash Flores: “Actually, yung mga message ng kaibigan ko ang nagpalakas ng loob ko. 'Kaya mo yan, bro. Hindi yan kasiraan sa yo.' Siyempre, yung followers ko, pinalakas din ang loob ko. Ang daming naniniwala sa akin, yun din ang nagpalakas sa akin."
PHOTO/S: Rash Flores on Instagram

Tinamaan ng matinding depresyon ang VMX star na si Rash Flores matapos lumantad at umamin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na siya ang aktor sa leaked video scandal na kumalat at ibinebenta sa mataas na presyo.

Lumabas ang artikulo noong Huwebes, Pebrero 27, 2025.

Read: VMX actor Rash Flores confirms leaked video scandal

Bagamat may mga nakikisimpatiya sa kanya, lalo na ang mga kaibigan at followers niya, mayroon ding pinagsalitaan siya ng masasakit na salita.

“Tinamaan talaga ako ng depression, hindi ako masyadong gumamit ng social media nang lumabas yung article,” pagbabahagi ni Rash sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Linggo ng hapon, Marso 2.

“After two days, saka lang ako nag-check ng mga message.

“Actually, yung mga message ng kaibigan ko ang nagpalakas ng loob ko. 'Kaya mo yan, bro. Hindi yan kasiraan sa yo.'

“Siyempre, yung followers ko, pinalakas din ang loob ko.

"Ang daming naniniwala sa akin, yun din ang nagpalakas sa akin.

“Saka palagi akong nagdarasal sa Itaas na sana Siya na ang bahala sa akin. Huwag Niya akong pababayaan.”

Read: Rash Flores finds peace after closure with estranged mom

rash flores vivamax actor
Rash Flores
Photo/s: Instagram

RASH FLORES DENIES COLLAB ALLEGATION

Sinagot din ni Rash ang bintang ng netizens na naniniwalang may permiso niya ang pagkalat ng video dahil sa kanyang kagustuhan umanong mapag-usapan at sumikat.

Saad niya: “May mga pangit na feedback, masasakit ang mga salita.

"Sinadya ko raw yon. Nakipag-collab daw ako sa ganoon para lang sa fame.

“Sa totoo lang, opinyon nila yon, so kailangan ko hayaan na lamang sila.

“Ang sa akin lang, kung fame lang ang gusto ko, hindi ko gagawin yon.

"E, di sana ako na lang ang nagbenta, kung gugustuhin ko lang. Ang kaso, hindi naman, e.

"Hindi ako ang kumikita, ibinebenta ng iba.

"Ang masakit, yung nagbebenta ng video, siya pa ang kumikita nang dahil sa akin, pero nakakasira siya ng career."

Read: Rash Flores, hindi nagreklamo sa pinutol na daring scene

THE MYSTERY WOMAN IN THE VIDEO

May mensahe naman si Rash sa babaeng hindi niya matandaan ang pangalan na nakilala at nakipagtalik sa kanya sa isang hotel sa Timog Avenue, Quezon City, noong Marso 2024.

“Ipinagdarasal ko na lang siya, sana makarma siya. Karma na lang ang bahala sa kanya,” sabi ng sexy actor.

Lingid umano sa kaalaman ni Rash, may hidden camera na nakatago at buong-buong nakunan ang kanilang pribadong sandali.

Makalipas ang siyam na buwan, nagulat si Rash nang malaman nitong kumalat at ibinebenta sa mataas na presyo ang video nila ng babaeng nanlinlang at gumamit sa kanya para kumita ng pera.

Isa lamang si Rash sa mga aktor na naging biktima ng babae, pero siya ang unang naglakas-loob lumantad at nagsalita tungkol sa kanya diumano’y pangit na karanasan.

Read: Video scandal ng tatlong aktor, for sale for PHP150 each

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rash Flores: “Actually, yung mga message ng kaibigan ko ang nagpalakas ng loob ko. 'Kaya mo yan, bro. Hindi yan kasiraan sa yo.' Siyempre, yung followers ko, pinalakas din ang loob ko. Ang daming naniniwala sa akin, yun din ang nagpalakas sa akin."
PHOTO/S: Rash Flores on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results