Nararamdaman na sa siyudad ng Maynila ang tensiyon sa pagitan ng mayoral candidates na sina Isko Moreno at Sam Verzosa.
Sa isang speaking engagement sa Maynila na dinaluhan ni Isko, tinawag nitong "pabida" ang isa sa kanyang mga katunggali.
Kinuwestiyon din ni Isko ang pamimigay nito ng bigas at mga de-lata sa kanilang mga kababayan.
Hindi man nagbanggit ng pangalan, marami ang kumbinsidong si Sam ang kanyang tinutukoy at pinatatamaan.
Read: Isko Moreno at Sam Verzosa, di inasahang magkikita sa isang event
Sarkastiko ang boses ni Isko nang sabihin nito: “Nakisali naman yang isa, si pabida, si Superman.
"Bumabaha ng bigas at de-lata.
"Simple lang ang tanong naming mga taga-Maynila, nasaan kayo noong pandemya?"

Dagdag niya: “Noon, kailangan namin ng bigas. Noon, kailangan namin ng de-lata, hindi sila matagpuan.
"Ang sasarap ng mga buhay nila. Tayo-tayo ang nagkita sa finals, sila nowhere to be found.
“Ngayon, paganyan-ganyan ka pa [pataas-taas ng kamao], parang may giyera. Hindi ninyo kami mato-tolongges!”
Read: Sam Verzosa, mamahaling de-lata ang ipinamimigay sa mahihirap
SAM VERZOSA REACTS TO ISKO MORENO'S TIRADES WITH "RESIBO"
Hindi pinalampas ni Sam ang pangungutya sa kanya ni Isko.
Sa pamamagitan ng social media, naglabas ng mga "resibo" si Sam upang kontrahin ang mga parunggit ni Isko.
Kabilang dito ang mga video nila ni Isko na magkasama nang magbigay ng donasyon at tulong ang Frontrow International sa mga residente ng Maynila noong Agosto 2020, noong panahong nakaupo pa si Isko bilang mayor ng lungsod.
Ang Frontrow International ang isa sa mga kompanyang itinatag ni Sam.
Mapapanood sa naturang video ang pamimigay nina Sam at Isko ng kaban-kabang bigas at pagbubukas ng E-skwela.

Lahad ni Sam sa lumang video: “Nakalagpas 20,000 na po tayo ng sako ng bigas na naipamigay.
"Nakapagbigay na po tayo sa City of Manila, sa Quezon City, sa Davao, sa City of Pasig at sa iba-ibang probinsya.
“Narito po tayo ngayon dito sa Sta. Mesa, Sampaloc, Manila para buksan yung isa na naman pong Frontrow E-skwela natin.
"Ito po ang pangalawa sa maraming eskuwelahan na bubuksan ng Frontrow all over the country.
“Ito po yang magbibigay ng libreng access sa mga computer, Internet, printing, and maintenance ng mga computer.
"So, nandito po taya para i-inaugurate, together with Mayor Isko Moreno. Nandito po yung Frontrow para magbigay ng tulong.”
Mapapanood din sa nabanggit na video ang pasasalamat ni Isko kay Sam habang nakasuot sila ng facemask at face shield.
Mensahe ni Isko, "Maraming-maraming salamat sa inyo. Sana, mamaya uulan, gumitna kayo sa nang dumami pa kayo."
Taliwas ito sa panunumbat ni Isko na wala umano si Sam noong panahon ng pandemya na kailangang-kailangan ng mamamayan ng Maynila ang tulong."
Sina Sam at Isko ang pinaniniwalaang mahigpit na magkalaban sa mayoral race sa Maynila sa halalang magaganap sa Mayo 12, 2025.
Read: Isko Moreno, nagpaparamdam na sa kanyang "pagbabalik" sa Manila
ISKO TAKES A SWIPE AT SAM'S PHOTO AT BONIFACIO SHRINE
Bago nagpakawala si Isko ng maaanghang na salita laban kay Sam, nauna nang nagpatutsada si Isko tungkol sa idinaos na malawakang "Manila Is Not For Sale" rally sa Bonifacio Shrine o Kartilya ng Katipunan sa tabi ng Manila City Hall, noong Pebrero 2, 2025.
Dito ay nakunan si Sam ng larawan na nakataas ang kamao, gaya ng porma ni Gat Andres Bonifacio sa Bonifacio Shrine.
Patutsada ni Isko: "Ngayon, may paganyan-ganyan ka pa. Parang may giyera. Hindi ninyo kami mato-tolongges.”
Walang pangalang binanggit si Isko, pero may hinala ang mga tungkol sa taong tinutukoy at pinararatangan niya.
Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment) sa panig nina Isko Moreno at Sam Verzosa tungkol sa isyung ito.
Notice: This article falls under promotional material for candidates running in the 2025 election.