AI o artificial intelligence ang alibi ng dalawang aktor sa kanilang mga karelasyon tungkol sa magkahiwalay na sex video nila na kumakalat sa social media.
At dahil talamak ang pagkalat ng fake sex videos sa Internet, pinaniwalaan ng mga bulag sa sobrang pagmamahal na girlfriends ang paliwanag ng kanilang mga boyfriend na aktor.
Pero authentic at hindi AI ang eskandalosong videos ng mga aktor.
Read: Non-showbiz personality, biktima ng leaked video scandal
THE UNKNOWN WOMAN IN THE VIDEO
Napilitang magsinungaling ang dalawang aktor para hindi na humaba pa ang isyu at hindi masaktan nang husto ang kani-kanilang pinakamamahal na kasintahan.
Iisang babae lamang ang nakatalik ng mga aktor sa scandal videos nila na pinagpipistahan at ibinebenta sa mataas na presyo.
Kung tutuusin, ang babaeng tampok sa mga kontrobersiyal na video ang puwedeng magsabing digitally altered ang mahahalay na eksena niya.
Pero hindi naman siya kilala kaya walang pakialam sa kanya ang publiko na kumbinsidong orihinal at hindi peke ang sex videos ng mga aktor na kanilang napanood.
Tatlo sa mga showbiz personality na sangkot sa kontrobersya ang umaming nabiktima sila ng babaeng naglagay ng mga hidden camera para lihim na makunan ang kanilang pagtatalik.
Ngayon ay pinagsisisihan nila ang pagiging mapusok dahil mabigat ang naging kapalit nito — ang pagkalat ng mga pribadong video nila.
Read: Tatlong boy toys, nakikinabang sa kani-kanilang benefactors