Walang katotohanan ang balitang inililihim ng isang aktres ang pagsisilang ng sanggol na lalaki noong Nobyembre 2024.
Sa katunayan, ipinakikita ng aktres sa mga kaibigan ang larawan ng kanyang anak na bininyagan noong Disyembre 2024.
Read: Aktres na produkto ng talent search, buntis
Saksi ang Cabinet Files nang ipakita ng aktres sa kapwa nito showbiz personality ang mga larawan ng kanyang anak na nakaimbak sa cellphone niya.
Ipinagmamalaki ng aktres ang bata na bunga ng pagmamahalan nila ng kanyang karelasyon na walang kinalaman sa entertainment industry.
Pero hindi pa handa ang aktres na aminin sa publiko ang ganap na pagiging ina niya.
Personal na desisyon ng aktres na huwag munang ipaalam sa mga tao na nanganak siya noong nakaraang taon na naging dahilan ng kanyang pansamantalang pagkawala sa showbiz.
Read: Aktres, hindi pa rin ipinagtatapat ang pagbubuntis sa publiko
NO TRACE OF GETTING PREGNANT AND GIVING BIRTH
Dalawang buwan matapos magsilang, muling naging aktibo sa pag-arte ang aktres pero walang-wala sa kanyang hitsura na nagbuntis at nagsilang.
Mabilis na pumayat ang aktres at mas maganda siya ngayon kesa noong dalaga pa siya.
Isang malapit sa aktres ang nagsabing agad na nawala ang unwanted fats sa mukha at katawan ng nagsilang na aktres dahil sa tulong ng RF o Radio Frequency face and body slimming treatment.
Pinaghandaan ng aktres ang pagbabalik nito sa showbiz sa pamamagitan ng regular RF face and body slimming treatment kaya naging madali sa kanya ang pagbabawas ng timbang.
Epektibo ang resulta ng non-invasive treatment sa aktres na sineryoso nang husto ang pagpapapayat.
Kaya mahirap paniwalaan ang mga balita tungkol sa kanyang pagbubuntis at panganganak dahil walang mga bakas na naiwan.
Read: Young actress, balik-alindog matapos ang lihim na pagbubuntis