PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo, balik-Viva; itinuturing na "light" ang misis na si Charlie

Carlo Aquino, looking foward makatrabaho ang Viva leading ladies.
by Jojo Gabinete
Published Feb 21, 2025
carlo aquino viva artists agency
Carlo Aquino on returning to Viva Artists Agency: "Di ba, yung life parang movement, activity, naghahanap ka ng kumurot sa puso mo o kaya yung mag-aano ng imahinasyon mo sa utak? E, alam naman natin na yung Viva, very diverse yung mga ginagawa nila. Ang daming ginagawa, horror, romance… Sabi ko, panahon na para makagawa ako ng iba-iba ulit. Pero siyempre, gagawa pa rin ako ng romance [movies]."
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram

“Homecoming” ang tawag sa muling pagpirma ni Carlo Aquino ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) noong Huwebes, Pebrero 20, 2025.

Ang VAA ang namahala sa showbiz career ng aktor mula 2005 hanggang 2011.

Nang humarap sa entertainment media si Carlo, sinabi nito na ang hindi nawalang pagmamahal ng mga executive ng Viva ang isang dahilan ng kanyang desisyong muling ipagkatiwala sa talent management arm ng kompanya ang pamamahala sa showbiz career niya.

Read: Carlo Aquino, ratsada ang mga pelikula sa sinehan man o online

Saad ni Carlo: “Di ba, yung life parang movement, activity, naghahanap ka ng kumurot sa puso mo o kaya yung mag-aano ng imahinasyon mo sa utak?

“E, alam naman natin na yung Viva, very diverse yung mga ginagawa nila. Ang daming ginagawa, horror, romance…

“Sabi ko, panahon na para makagawa ako ng iba-iba ulit. Pero siyempre, gagawa pa rin ako ng romance [movies].

“Siyempre, anak naman din ako nina Boss VR, Boss Vic [del Rosario], something familiar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, gusto ko pa yung welcome na welcome pa rin ako.

“Nung nakausap ko naman sila, sobrang welcoming, sobrang warm, and naramdaman ko pa rin yung love nila [para] sa akin.

"Yun ang deciding factor."

Natutuwa si Carlo dahil mabibigyan siya ng pagkakataong makagawa ng mga proyekto kung saan makakapareha niya ang mga aktres na contract stars din ng Viva Artists Agency.

“Yung future ko naman with them, sinabi nila na ibi-build talaga na maganda kasi nga marami rin silang leading ladies na puwedeng mai-partner din sa akin. So, yun lang naman.

“Tapos nagpi-pitch din ako kina Boss Vic ng mga gusto ko kasi very open talaga sila. At saka parang sa isang buwan, ‘isandaang pelikula’ ang ginagawa ng Viva.”

Maaaring ang tinutukoy ni Carlo ay ang mga pelikula ng Viva na nag-i-streaming sa VMX Philippines.

Read: Julia Barretto may napansing malaking pagbabago kay Carlo Aquino

carlo aquino vincent veronique del rosario
Carlo Aquino with Viva executives Vincent del Rosario and Veronique del Rosario
Photo/s: @vivaartistsagency on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON MARRIED LIFE WITH WIFE CHARLIE DIZON

Ano ang reaksiyon ng asawa niyang si Charlie Dizon sa kanyang pagbabalik sa Viva Artists Agency?

Sabi ni Carlo: “Siya rin very excited dahil nga panibagong chapter.

"Parang kami, kakakasal lang. Yung buhay namin ngayon parang laging beginning, a new beginning.”

Nagpakasal sina Charlie at Charlie noong Hunyo 9, 2024.

Ayon sa 39-year old actor, ang asawa niya ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon para magtrabaho.

WEDDING ALBUM: Carlo Aquino and Charlie Dizon's wedding details, wedding vows
Charlie Dizon and Carlo Aquino on their wedding day
Photo/s: Screengrab from Facebook | Myio Okamoto Photography
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Si Charlie kasi bata pa sa industriya although medyo may edad na siya .

"Pero yung fire niya saka yung passion niya, parang umaapaw. So, parang nasasama rin ako.

“Yung passion ko sa pagtatrabaho, mas lumalaki, mas nagwa-widen.

"Yun ang ibinibigay niya sa akin kaya ang tawag ko nga sa kanya, yung light, kasi siya yung nagbibigay sa akin ng inspirasyon, fire,” lahad ni Carlo.

Masayang-masaya raw ngayon si Carlo kaya marami ang nakapapansin sa positibo at kakaibang aura niya.

Read: Carlo Aquino and Charlie Dizon: A relationship timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Aquino on returning to Viva Artists Agency: "Di ba, yung life parang movement, activity, naghahanap ka ng kumurot sa puso mo o kaya yung mag-aano ng imahinasyon mo sa utak? E, alam naman natin na yung Viva, very diverse yung mga ginagawa nila. Ang daming ginagawa, horror, romance… Sabi ko, panahon na para makagawa ako ng iba-iba ulit. Pero siyempre, gagawa pa rin ako ng romance [movies]."
PHOTO/S: @vivaartistsagency on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results