PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashtine Olviga, memorable ang kissing scene with Andres Muhlach

Ashtine Olviga, naa-amaze sa attitude ni Andres Muhlach.
by Jojo Gabinete
Published Feb 20, 2025
ashtine olviga andres muhlach
Ashtine Olviga on Ang Mutya Ng Section E leading man Andres Muhlach: “Ina-admire ko po talaga siya kasi bukod sa good-looking, sobrang importante din po sa akin ng attitude, and ang bait po niya. Lagi ko pong sinasabi, sobrang na-amaze po ako sa attitude niya. Sobrang humble, sobrang down-to-earth po niya.”
PHOTO/S: @viva_tv on Instagram

Ang kabutihan ng ugali ni Andres Muhlach ang isa sa mga katangian nito ang hinahangaan ni Ashtine Olviga.

Si Ashtine ang kapareha ni Andres sa Ang Mutya ng Section E, ang hit youth-oriented series na napapanood sa streaming site na Viva One.

Inamin ni Ashtine ang paghanga nito kay Andres sa panayam sa kanya ng entertainment press sa Viva office nitong Huwebes, Pebrero 20, 2025.

Read: Andres Muhlach, tagumpay ang first solo project

Walang paliguy-ligoy na sinabi ng dalaga: “Ina-admire ko po talaga siya kasi bukod sa good-looking, sobrang importante din po sa akin ng attitude, and ang bait po niya.

“Lagi ko pong sinasabi, sobrang na-amaze po ako sa attitude niya. Sobrang humble, sobrang down-to-earth po niya.”

ASHTINE ON BEING ENVIED AS ANDRES' FIRST ONSCREEN KISS

Kinaiinggitan si Ashtine ng mga kababaihan dahil siya ang kauna-unahang onscreen kiss ni Andres sa pinag-usapang eksena nila sa Ang Mutya ng Section E.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Ashtine, ang nabanggit na kissing scene ang isa sa mga memorable moment ng tambalan nila ni Andres.

Read: Ashtine Olviga, kinabahan sa kissing scene nila ni Andres Muhlach

andres muhlach ashtine olviga kissing scene
Andres Muhlach and Ashine Olviga's much talked-about kissing scene in Ang Mutya ng Section E.
Photo/s: Viva One

Ayon kay Ashtine: “Kissing scene kasi mahirap yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang dami ng tao na nakapaligid, nanonood, and yung struggle po nun.

"Pero masaya naman. Masaya yung part na nagtatakbuhan po kami.

"Parang ang feeling ko, naglalaro lang po kami."

Taos-puso ang pasasalamat ni Ashtine sa kanyang home studio dahil ipinagkatiwala sa kanya ang title role sa Ang Mutya ng Section E.

“Sobrang grateful ko po talaga kasi hindi po namin ine-expect ito.

"Kahit yung cast reveal na mainit po yung pagtanggap sa amin ng mga tao, hindi rin po namin ine-expect yon.

“And hanggang ngayon, sinusuportahan kami ng mga tao at inaabangan nila.

“Tinutulungan po nila kaming mag-ingay yung Mutya ng Section E sa social media, sobrang laking bagay po sa amin.

"Sobrang thankful kami sa ginagawang effort at sa pagmamahal po na ibinibigay ninyo sa amin.

“Ang maipapangako po namin sa inyo, gagawin namin nang maayos yung trabaho po namin and pasasayahin po namin kayo kagaya po ng saya na ibinibigay ninyo sa amin.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Cast members of Ang Mutya ng Section E
The cast of Ang Mutya Ng Section E
Photo/s: Arniel Serato

Nagagawa pa rin daw ni Ashtine na sumakay sa MRT nang walang suot na facemask, sa kabila ng kasikatang tinatamasa niya sa kasalukuyan.

Kuwento niya: “Kapag hindi rush hour, [sumasakay ako ng MRT] kasi ayokong pumila, ang init. Naka-mask po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang sarap po kasi sa feeling na nakakapunta ka sa isang lugar na ang mura lang ang pamasahe, saka sanay rin po ako.”

Read: Andre Yllana, "muntik nang maging kapatid" si Andres Muhlach

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashtine Olviga on Ang Mutya Ng Section E leading man Andres Muhlach: “Ina-admire ko po talaga siya kasi bukod sa good-looking, sobrang importante din po sa akin ng attitude, and ang bait po niya. Lagi ko pong sinasabi, sobrang na-amaze po ako sa attitude niya. Sobrang humble, sobrang down-to-earth po niya.”
PHOTO/S: @viva_tv on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results