Mahigit sa limampung milyong piso (PHP50M) ang perang naubos sa casino ng kapatid ng isang sikat na showbiz personality.
May dapat ikabahala ang showbiz personality, na araw-araw na napapanood sa telebisyon, dahil manager niya ang pakilala ng kanyang kapatid sa kapwa nito casino players.
Alam sa entertainment industry na iba ang namamahala sa showbiz career ng sikat na personalidad kaya may mga pagdududa sa ipinamamalita ng kapatid niya.
Malaking halaga ang limampung milyong piso.
Maaaring hindi alam ng showbiz personality na gumon sa sugal ang kanyang kapatid na matapang sa paglulustay ng salapi kaya nararapat lamang na magsimula na siya sa pag-iimbestiga habang hindi pa naaapektuhan ang kanilang kabuhayan.
Read: TV host-actress na gumon sa sugal, banned na sa sikat na casino
POLITICIAN TAKES A BREAK FROM GOING TO CASINO
“Casino addict” din ang isang pulitikong mula sa isang siyudad sa Metro Manila.
Pero hindi siya katulad ng kapatid ng showbiz personality na milyun-milyong piso ang ginagastos sa pagsusugal.
Maingat ang pulitiko dahil naglalaro siya sa pribadong kuwarto ng casino kaya maliban sa mga empleyado o casino attendants, walang ibang nakakakita sa kanya.
Nananalo sa sugal ang pulitiko pero mas madalas na malaki ang halaga ng perang ipinatatalo niya.
May kontrol sa sarili ang pulitiko dahil huminto muna siya sa pagpunta sa casino dahil panahon na ng kampanya para sa eleksyon sa Mayo 2025.
Alam ng pulitiko na puwedeng maging isyu laban sa kanya at sa mga kandidatong sinusuportahan kapag kumalat ang balita tungkol sa bisyong kinahuhumalingan at pinag-aaksayahan niya ng salapi.
Read: Aktres, karibal ang co-star sa pinagpapantasyahang leading man