PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang, nagbabala sa "love scam" gamit pics at videos niya

Ronnie Liang: "Nagpapanggap sila na si Ronnie Liang, nanliligaw ng mga babae."
by Jojo Gabinete
Published Feb 18, 2025
ronnie liang love scam
Ronnie Liang on his photos and videos being used to scam women: "Nagpapanggap sila na si Ronnie Liang, nanliligaw ng mga babae, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa like sa Vietnam, Thailand, USA. And then nagso-solicit sila ng pera. At, sometimes, ginagamit nila ang foundation ko."
PHOTO/S: GMA Network

May babala ang singer-actor na si Ronnie Liang nang hindi mabiktima ang iba pang mga babae ng mga manlolokong gamit ang mga larawan at video niya sa isang “love scam.”

Ang pakay ng "love scam" ay manligaw at manghingi ng pera.

Ipinarating ng singer-actor sa Cabinet Files na marami sa mga kababayan nating naninirahan sa Asia, Europa, at Amerika ang nagpadala sa kanya ng mga mensaheng nabiktima umano sila.

Ang mga scammer ay gumagawa ng fake accounts gamit ang mga larawan at video ng singer-actor.

Read: Ronnie Liang speaks up about viral video with Harry Roque

Saad ni Ronnie: “Marami po ang gumagamit ng pictures at videos ko para makapag-love scam.

"Nagpapanggap silang si Ronnie Liang, nanliligaw ng mga babae, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa like sa Vietnam, Thailand, USA.

"And then nagso-solicit sila ng pera. At, sometimes, ginagamit nila ang foundation ko.

“Yung iba, sinasabi nila na they sent 50K to 60K euros. At yung iba, 50K US dollars."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “May mga nakapagpadala rin ng package, money thru wire transfer, at nagtatanong sa akin kung natanggap ko na.

“I receive a lot of reports since last year pero hindi pa rin sila humihinto.

“Sa Facebook Live at TikTok lang ako nakapag-warning noon.”

Bilang patunay, ibinahagi ni Ronnie sa Cabinet Files ang ilang screenshots ng mga mensahe sa kanya ng mga nabiktima umano ng scammer na nagpapanggap na siya.

ronnie liang love scam
ronnie liang love scam
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ronnie liang love scam
ronnie liang love scam
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
ronnie liang love scam

Bukod sa “love scam,” nalaman ni Ronnie na ginagamit na rin ng mga impostor ang kanyang mga larawan sa mga dating site pero nagpapakilala sa pangalang "Cpt. Erichong."

Read: Ronnie Liang thinks it's "big blessing" to be a singer during social-media era

ronnie liang love scam
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PROJECT NGITI FOUNDATION

Nababahala nang husto si Ronnie sa talamak na panggagamit sa kanyang pangalan, mga larawan, at video dahil nadadamay na rin sa panloloko ang foundation na itinatag niya para sa mga bata na bingot o may cleft lip palate — ang Ronnie Liang Project Ngiti Foundation.

Read: Ronnie Liang on Project Ngiti foundation: "Hindi ko naman akalain na maraming buhay na mababago."

Nagbabala si Ronnie sa ating mga kababayan na maging maingat at mapanuri sa mga taong ginagamit ang iba’t ibang social media platforms para manghingi ng donasyon.

Malapit sa puso ni Ronnie ang Project Ngiti Foundation dahil masidhi raw ang hangarin niyang makatulong para maging normal ang hitsura ng mga batang isinilang na may cleft lip palate.

Sa kasalukuyan, halos tatlongdaan (300) na ang bilang ng mga batang libreng sumailalim sa cleft lip palate surgery dahil sa pakikipagtulungan ng Project Ngiti Foundation sa Smile Train Philippines at St. Vincent General Hospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"BYAHE NG BUHAY"

Ang pagkakawanggawa ni Ronnie ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon para lumikha ng awit, ang "Byahe ng Buhay," na komposisyon ng kapwa singer-actor na si Wilbert Ross.

byahe ng buhay

Saad niya: “I produced 'Byahe ng Buhay.' Si Mr.Wilbert Ross ang nag-compose, nagbayad lang ako ng mechanical license.

“All of the sales and royalties from my songs, all of my songs, will be given and donated to Project Ngiti Foundation for the children who are suffering from cleft lip palate so they can have free surgery.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ronnie ay contract star na ng Sparkle GMA Artist Center kaya nagpapasalamat siya sa tiwala, suporta, at pagtanggap sa kanya ng mga executives ng GMA Network na sina Atty. Felipe L. Gozon, Jimmy Duavit, Atty. Annette Gozon-Valdes, Joy Marcelo, at Daryl Zamora.

Read: Ronnie Liang, hindi malimutan ang pagkikita nila ng original singer ng "Saan Darating Ang Umaga?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang on his photos and videos being used to scam women: "Nagpapanggap sila na si Ronnie Liang, nanliligaw ng mga babae, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa like sa Vietnam, Thailand, USA. And then nagso-solicit sila ng pera. At, sometimes, ginagamit nila ang foundation ko."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results