Hindi na pinapapasok sa isang sikat na casino ang TV host-actress na hindi aktibo ngayon sa showbiz.
Mismong ang mga magulang ng TV host-actress ang nakiusap sa namamahala sa naturang establisimyento na i-ban siya.
Milyun-milyong piso na ang naipapatalo ng TV host-actress na lulong na lulong sa sugal kaya lubhang naalarma ang kanyang pamilya.
Hiniling ng mga magulang ng TV host-actress sa casino management na i-ban na siya nang habambuhay dahil ito na lamang ang naiisip nilang paraan para huminto na sa pagsusugal at pagwawaldas ng pera ang kanilang anak.
Read: Aktor, gustong ipa-DNA test ang anak umano niya sa isang babae
RELATIONSHIP WITH RICH POLITICIAN
Hindi aktibo sa showbiz ang TV host-actress kaya marami ang nagtataka sa pinagmumulan ng milyun-milyong pera na nilulustay nito sa casino.
Minsan nang nagkaroon ng relasyon ang TV host-actress sa isang pulitiko na mayaman, may asawa, at mga anak.
Dahil tahimik ang buhay ngayon ng TV host-actress, walang nakakaalam kung patuloy pa rin ang pakikiapid niya sa kanyang rich benefactor.
Malabo nang makapasok ang TV host-actress sa casino na nag-ban sa kanya dahil hindi nangingimi ang security personnel na ipagtabuyan siya sa tuwing sinusubukan niyang makalusot.
Mahigpit na ipinag-utos ng casino management sa mga security personnel na huwag papasukin ang TV host-actress bilang pagbibigay sa mahigpit na pakiusap at kahilingan ng kanyang mga magulang, na ginagawa ang buong makakaya para mahinto na ang pagkagumon niya sa sugal.
Read: Young actress, balik-alindog matapos ang lihim na pagbubuntis