PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K Brosas, di makapaniwalang nanalong TV Actress of the Year

K Brosas, tatlong biyaya ang natanggap ngayong 2025.
by Jojo Gabinete
Published Feb 17, 2025
k brosas tv actress of the year
Singer-comedienne K Brosas is very grateful for three blessings that have come her way in early 2025: "So, sabi ni Lord, ‘Sige na. Hindi na kita bibigyan ng stress. Ito na ang panahon mo para magwagi.' So, babalik ako sa Sing Galing!, blessings na yon. Kapapanalo ko sa kaso. 'Bibigyan kita ng award.' Kaya naman thank you, Lord, talaga. Yun lang ang masasabi ko, thank you."
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram

Tatlong pangyayari sa buhay ng singer-comedienne na si K Brosas kamakailan ang itinuturing niyang biyaya mula sa Panginoong Diyos.

Una, ang pagbabalik ng Sing Galing!, ang videoke game show ng TV5.

Pangalawa, ang pagwawagi sa kasong isinampa niya noong Setyembre 2021 laban sa dating contractor ng kanyang bahay.

Pangatlo, ang acting award na napanalunan niya.

Read: K Brosas wins court case against house contractor

TRIPLE BLESSINGS

Inisa-isa ni K ang mga biyayang natanggap niya ngayong 2025 sa media videoke-con ng Sing Galing!.

Ginanap ang event sa KTV bar sa Greenhills, San Juan, na pag-aari nina Anne Curtis at Karylle Tatlonghari-Yuzon, nitong Lunes ng hapon, Pebrero 17.

Simula sa Marso 1, 2025, mapapanood ang unang kabanata ng third season ng Sing Galing!.

Nagpapasalamat si K dahil sila pa rin ni Randy Santiago ang mga host ng top-rating program ng TV5.

Read: Sing Galing! at Marimar, magbabalik sa TV5

Pakantang sinabi ni K na “Ako ang nagwagi…” nang magsalita siya tungkol sa tagumpay niya sa demandang inihain laban sa kanyang dating house contractor.

Inireklamo ni K noong 2021 ang pagkakagamit ng contractor ng tinatayang pitong milyong pisong nakalaan sa bahay na ni hindi nito tinapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni K tungkol sa malungkot na karanasan na napagdaanan at nalagpasan niya: “Naniniwala ako talaga minsan tine-test ka ni Lord.

"Pag sobrang dami ng pagsubok na ibinibigay sa yo, tulad ng nangyari sa akin.

"Hindi naman biro yung ilang taon saka ilang milyon. Pinagtrabahuan ko yon.

“During that time, tumatakbo ako sa Sing Galing! habang tumatakbo rin yung kaso ko.

"So, sabi ni Lord, ‘Sige na. Hindi na kita bibigyan ng stress. Ito na ang panahon mo para magwagi.'

"So, babalik ako sa Sing Galing!, blessings na yon.

"Kapapanalo ko sa kaso, 'Bibigyan kita ng award.'

"Kaya naman thank you, Lord, talaga. Yun lang ang masasabi ko, thank you."

Read: K Brosas, pursigidong ituloy ang kaso laban sa contractor na nanloko sa kanya

View this post on Instagram

A post shared by Maria Carmela (@kbrosas)

TV ACTRESS OF THE YEAR

Samantala, hindi pa rin makapaniwala si K na siya ang pararangalang TV Actress of the Year sa 10th Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University of Asia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay para sa kanyang pagganap sa drama series ng TV5 na Ang Himala ni Niño.

Ang Platinum Stallion Media Awards ay annual awards ceremony na nagbibigay-pugay sa outstanding individuals at programs na limukha ng makabuluhang ingay sa media at entertainment.

The annual awards ceremony, organized by Trinity University of Asia, honors outstanding individuals and programs that have made a significant impact in media and entertainment.

Ang media awards ng Trinity University of Asia, isang private school sa Cathedral Heights, Quezon City, ay nagsimula noong 2015.

k brosas ang himala ni nino
K Brosas as Ate Gege in Ang Himala Ni Niño
Photo/s: TV5
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad ni K: “Akala ko prank. Hanggang ngayon, akala ko prank.

"Mamaya ko po siya tatanggapin, kung ayaw ninyong maniwala.

“Gusto kong magpasalamat sa Trinity University of Asia.

"Akala ko talaga prank, walang etchos. Biro mo, TV Actress of the Year?

“Gusto kong magpasalamat sa Ang Himala ni Niño dahil malaking bagay."

Biro pa niya: “Gusto ko sanang kuwestyunin, yung parang, 'Bakit ako ang napili? Bakit ako ang ibinoto nila?'

“Pero hindi ko na kukuwestyunin. Tatanggapin ko na lang yung blessing.

"Sasabihin ko na lang po na ‘I think I did something good’ para mapansin nila. At siguro, tao rin, gusto nila family-oriented na teleserye.

“Siguro gusto nila medyo light dramedy for a change.

"Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Platinum Stallion Media Awards."

Read: K Brosas has advice to younger people: "Wag atat. Mag-ipon."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-comedienne K Brosas is very grateful for three blessings that have come her way in early 2025: "So, sabi ni Lord, ‘Sige na. Hindi na kita bibigyan ng stress. Ito na ang panahon mo para magwagi.' So, babalik ako sa Sing Galing!, blessings na yon. Kapapanalo ko sa kaso. 'Bibigyan kita ng award.' Kaya naman thank you, Lord, talaga. Yun lang ang masasabi ko, thank you."
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results