For the nth time, muling naghiwalay ang aktor at ang kanyang karelasyong aktres pero pinili nilang manahimik muna.
Hindi mahahalatang nagwakas na ang relasyon ng dalawa dahil sinusubaybayan pa rin nila sa social media ang isa’t isa.
Hindi nakaligtas sa matatalas na mata ng netizens na burado na sa Instagram account ng aktres ang mga larawan ng aktor at ang mga litratong magkasama sila.
Read: Hunky actor at pretty actress, hiwalay na naman
Nagpahiwatig ang aktor sa malapit na kaibigan nitong hiwalay na sila ng aktres, pero hindi niya sinabi ang puno’t dulo ng problema na sanhi ng pasya nilang magkanya-kanya ng landas.
Nang tanungin naman tungkol sa kinaroroonan ngayon ng aktres, sagot ng aktor, “Hindi ko alam. Wala akong pakialam kung nasaan man siya.”
MONEY ISSUE?
May mga espekulasyong may kinalaman sa pera ang ugat ng naganap na hiwalayan dahil nabanggit ito ng aktres sa isang kaibigan na kanyang nakausap.
Ayaw seryosohin ng mga kaibigan ng aktor at aktres ang kanilang paghihiwalay dahil nagkasundo sila matapos ang maraming beses na pagtalikod sa pagmamahalan nila.
Hindi raw sila magtataka kung magkabalikan muli ang dalawa.
Read: Aktor, gustong ipa-DNA test ang anak umano niya sa isang babae