Hindi na alam ng kasalukuyang henerasyon na isang mahusay na character actor ang yumaong ama ni Mon Confiado na si Angel Confiado.
Minana ni Mon ang husay sa pag-arte at pagiging masinop sa pera mula sa kanyang ama.
Si Angel ay isinilang noong Agosto 2, 1913, at binawian ng buhay sa edad na 92 noong Oktubre 21, 2006.
Read: Mon Confiado not pursuing cyberlibel rap against content creator
Si Mang Angel ang nagmamay-ari ng isang mataas na gusali sa kanto ng EDSA at Aurora Boulevard, Quezon City.
Noong nabubuhay pa siya, madalas naming nakikita ang tatay ni Mon na nakatayo sa ikatlong palapag ng gusali at pinagmamasdan ang kapaligiran.
Nag-umpisa ang acting career ni Mang Angel sa mga silent movie.
Naging aktibo siya sa paggawa ng pelikula hanggang dekada ’90.
Nakasama niya sa mga proyekto ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. at King of Comedy na si Dolphy.
Read: Mon Confiado, namundok ng apat na araw para sa role niya sa Nanahimik Ang Gabi

MON CONFIADO ON LATE FATHER'S WORDS OF WISDOM
Tulad ni Angel, isa nang matagumpay na award-winning at character actor si Mon.
Hindi raw malilimutan ni Mon ang payo ng kanyang namayapang ama.
Saad niya: “Very thankful ako sa father ko kasi sa kanya ko natutunan ang pakikisama.
"More than the talent kasi minsan, nangingibabaw rin kung paano ka makisama.
“Yung professionalism sa industriyang ito, I guess isa yon sa mga dahilan kung bakit nauulit ako, sa mga direktor ko, sa mga producer.
“Importante na ang attitude mo positive kesa magaling ka lang. Dapat matuto ka ring makisama.”
Read: Mon Confiado reveals struggle in "de-roling" after shooting Nanahimik ang Gabi
MON CONFIADO: ONE OF THE BUSIEST ACTORS TODAY
Isa si Mon sa pinakaabalang character actor ngayong 2025 dahil sa dami ng mga proyekto niya.
“Hindi naman,” reaksiyon ni Mon sa obserbasyon ng Cabinet Files na siya ang "busiest actor" ngayon.
Pero pinaunlakan niya ang aming kahilingang isa-isahin ang pamagat ng mga pelikula at TV series na kanyang pinagkakaabalahan.
Pag-e-enumerate ni Mon: “Very thankful ako na part ako ng Lilim with Direk Mikhail Red.

“Aside from Lilim, part ako ng In Thy Name na showing sa March 5.
“Ongoing ngayon ang screening ng DitO, isang Japanese film na nagawa ko na part ng Japanese Film Festival Philippines na showing sa Shangri-La Plaza Cinema.

“May natapos kami ni Heaven [Peralejo] na isang pelikula na directed by Paul Soriano, ang The Fisher.
"At part ako ng Lumuhod Ka Sa Lupa, action-drama series ng TV5.
“May isa akong na-shoot sa Bangkok, Thailand. Ang title is Golda, soon to be shown also.
"At The Rapists of Pepsi Paloma na hopefully, ma-showing."
Napangiti si Mon nang magtawanan ang mga dumalo sa media conference ng Lilim nang banggitin niya ang kontrobersiyal na pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma, kung saan gumaganap siya bilang talent manager na si Dr. Rey dela Cruz.
Read: Pepsi Paloma movie, maipalabas pa kaya sa mga sinehan?
