PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, gustong ipa-DNA test ang anak umano niya sa isang babae

Ina ng bata, tumanggi sa hiling ng aktor.
by Jojo Gabinete
Published Feb 12, 2025
blind item actor dna test
PHOTO/S: Canva

Ang isailalim sa genetic testing o DNA test ang hiling ng aktor sa ina ng bata na diumano’y anak nila.

Sinabi ng aktor sa Cabinet Files na wala itong nararamdamang lukso ng dugo.

Para makatiyak na siya talaga ang biological father ng bata, gusto niyang sumailalim sa DNA test ang bata.

Read: Non-showbiz personality, biktima ng leaked video scandal

Pero malabong mangyari ang kagustuhan ng aktor dahil tumanggi ang inang ipa-DNA test ang kanyang anak.

Masakit para sa ina na mapagdudahang hindi ang aktor ang ama ng bata.

Higit na masakit para sa kanyang ilagay sa alanganing sitwasyon ang inosenteng bata, na walang kasalanan at walang malay sa namagitan sa kanila ng aktor, kaya mauunawaan ang desisyon nitong huwag pumayag sa DNA test.

Read: Aktres, absuwelto sa perjury na isinampa ng estranged husband

OTHER STORIES ABOUT PATERNITY ISSUES

Maraming mga kuwento sa showbiz tungkol sa mga aktor na hindi tinatanggap ang pagkakaroon nila ng anak sa ibang mga nakarelasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bihira ang katulad ng isang aktor na tinanggap na anak niya ang batang lalaki. Pero makalipas ang matagal na panahon, ang aktres na nakarelasyon niya noon ang kusang umaming ibang lalaki at hindi siya ang ama.

Iba naman ang kuwento ng aktor na ipina-DNA test ang bata na diumano’y anak nila ng ex-girlfriend niyang aktres.

Nang lumabas ang resulta, nakumpirma ng aktor na hindi ito ang ama ng bata pero nagbigay siya ng malaking halaga ng pera bilang tulong.

Mula noon, natapos ang mga haka-hakang siya ang tatay ng anak ng aktres na hindi na nagsalita dahil lumabas ang katotohanan.

Read: Young actress, balik-alindog matapos ang lihim na pagbubuntis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results