PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yayo Aguila, four years na ang relationship sa non-showbiz guy

Yayo Aguila, may boyfriend pero ayaw nang magpakasal
by Jojo Gabinete
Published Feb 11, 2025
yayo aguila relationship
Yayo Aguila on marriage: “Ayokong mag-asawa na. Napag-usapan na namin, tapos na ako sa ganoon. Puwede naman maging masaya in a relationship pero walang marriage, para walang pressure.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Viva Films

Apat na taon na ang relasyon ni Yayo Aguila sa isang lalaking M. V. ang initials ng pangalan at hindi artista, pero may kinalaman sa showbiz ang pamilya.

Naganap ang pag-amin ni Yayo nang makausap siya ng Cabinet Files sa story conference ng Isolated, ang pelikula ng Viva Films na pinangungunahan nila nina Yassi Pressman, Joel Torre, Candy Pangilinan, at Wilbert Ross.

Pagtatapat ng aktres, “May boyfriend ako. Happy ako, four years na kami.

"Friend ko siya, hindi siya showbiz pero medyo showbiz ang family niya.

"Mas bata siya ng four years sa akin."

Read: Yayo Aguila gracefully copes with singlehood: “Hindi ko kailangan ng lalaki para buhayin ako.”

View this post on Instagram

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

YAYO AGUILA'S SECOND CHANCE AT LOVE

Naniniwala si Yayo na ito ang pangalawang pagkakataon ng pagiging maligaya niya matapos magwakas ang dalawampu’t limang (25) taong pagsasama nila ng kanyang dating asawa na si William Martinez.

“May mga bagay na may na-experience ako sa relationship na never kong na-experience sa 25 years kong kasama, like, I get to travel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi siyempre apat ang anak ko, di ba? Tutok ka, hands-on ako.

“Ang feeling ko, deserve ko naman na naaalagaan ako versus dati na ako yung nag-aalaga,” sabi ni Yayo tungkol sa relasyon nila ni M. V.

Ayon pa kay Yayo, walang dahilan para ilihim sa publiko ang kanilang relasyon.

“Bakit ko itatago? Hindi naman ako high school.

"Isine-share ko lang kapag may guesting ka, ise-share mo.

"Pero siyempre, it’s not a perfect relationship.”

Nilinaw ni Yayo na hindi sila magkasama ni M. V. sa isang bahay.

At kung siya ang tatanungin, ayaw na niyang mag-asawa muli.

“Ayokong mag-asawa na. Napag-usapan na namin, tapos na ako sa ganoon.

"Puwede naman maging masaya in a relationship pero walang marriage, para walang pressure,” pahayag ni Yayo.

Read: Yayo Aguila admits separation from husband William Martinez

NO REGRETS WITH TWENTY-FIVE YEAR marriAge to WILLIAM

Labing-anim na taon ang edad nang makipagrelasyon si Yayo kay William noong 1983.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula iyon nang magkakilala at magkatrabaho sila sa pelikulang Bagets (1984).

yayo aguila and william martinez
Yayo Aguila and William Martinez during their happier times
Photo/s: Noel Orsal

Pagbabalik-tanaw ng aktres: “Nung ginawa ko yung Bagets, kaka-16th birthday ko lang. Tapos dun ko nakilala si William, nagtulUy-tuloy na.

“Ikinasal kami sa States, bale nag-live-in muna kami ng four years.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nag-meet kami ng 1983, tapos 1987, nagpunta kami sa States kasi immigrant ako.

“Nung nakatira ako kina William... 1984, nakatira na ako sa kanila.

"Yung mother in-law ko, sobrang mahal ko yon kasi para talagang itinuring niya akoNG tunay na anak.”

Read: William Martinez opens up about his depression, fellow Regal Babies, ex-wife Yayo Aguila

Humantong sa hiwalayan ang 25 taong pagsasama nina Yayo at William, pero nilinaw ng aktres na wala siyang pinagsisihan dahil sa kanilang apat na anak na bunga ng pagmamahalan nila ng dating matinee idol.

Saad ni Yayo: “Sa totoo lang, wala naman akong pinagsisisihan sa 25 years namin na mag-asawa.

"Wala, kasi siyempre nagkaroon kami ng apat na anak. And I am so happy na yung mga anak ko, kasama ko sa poder ko.

“In all fairness naman, napa-graduate ko sila lahat na ako lang mag-isa.

"Proud ako sa sarili ko kasi very independent ako saka natutunan ko rin na may mga bagay na hindi mo na rin mapipilit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapag na-try mo na i-work out, pero na-try mo na ayaw pa rin, siguro talagang may point sa buhay mo na kailangan mong i-take.

"Ite-take mo tapos dun ka nababago.

“Ang dami kong natutunan — to be independent, kung papaano na kami.

"You and me against the world kasi kami.

"Pero ngayon, it’s a different phase kasi lahat ng mga anak ko, nagtatrabaho. Sobrang happy ko.

"So, ngayon nagko-concentrate na ako sa sarili ko."

Read: Yayo Aguila on ex-husband William Martinez: "Buhay niya, buhay ko, walang pakialaman."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yayo Aguila on marriage: “Ayokong mag-asawa na. Napag-usapan na namin, tapos na ako sa ganoon. Puwede naman maging masaya in a relationship pero walang marriage, para walang pressure.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results