Kasalukuyang nagaganap ang Will-Come Home show ni Willie Revillame sa NFA Grounds, Cabanatuan City, Nueva Ecija, at sa tantiya ng Nueva Ecija Police, mahigit sa dalawampung-libo ang bilang ng mga kababayan ng Wil To Win host na mainit na sinalubong ang kanyang pagdating.

Mahigit sa dalawang dekada nang host si Willie ng mga game show nito sa ABS-CBN, TV5 at GMA-7, pero diumano ay ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataong magtanghal sa bayan na sinilangan niya at para sa kanyang mga kababayan.
Bago umakyat si Willie sa entablado, ipinakita muna ang larawan niya na kuha noong elementary student pa lamang siya na ikinagalak ng mga Nueva Ecijano na maligaya sa tagumpay niya sa entertainment industry.

WILlie revillame standard procedure: give away gifts
Sa kanyang pag-akyat sa stage, malakas na palakpakan at hiyawan ang sumalubong kay Willie na nagbitaw ng mga salita na, “Mga mahal kong kababayan, dito ako nagsimula ng buhay ko, dito rin ako ginawa kaya ang puso ninyo at puso ko, isa lang. Tubong-Cabanatuan, Nueva Ecija.
“Magandang gabi aking mga mahal na kapatid. Itong araw na ’to, gusto ko maging masaya kayong lahat.
“Tulad ng kanyang pahayag na gusto niyang maging maligaya ang mga Nueva Ecijano, hindi lamang mga jacket at cellphone ang natanggap nila mula kay Willie dahil namigay ito ng isang brand new van.
Namudmod din si Willie ng apatnapung motorsiklo na magagamit ng kanyang mga kababayan sa paghahanap-buhay.

WIL TO WIN HOST ENTERING POLITICS
Ginanap ang homecoming show ni Willie, isang araw bago siya magpaalam sa kanyang programa sa TV5, ang Wil To Win.
Hindi itinanggi ni Willie ang lungkot na nararamdaman sa kanyang pansamantalang pamamaalam sa Wil To Win dahil tiyak na mangungulila siya sa mga taong nagpupunta sa Novaliches studio ng programa niya mula Lunes hanggang Biyernes.
Hanggang sa Lunes, Pebrero 10, na lamang mapapanood si Willie sa game and public service program dahil mag-uumpisa na ang kanyang pangangampanya para sa senatorial bid niya.
Simula sa Martes, Pebrero 11, si Randy Santiago ang pansamantalang hahalili kay Willie bilang host ng Wil To Win, kasama ang mga mainstay co-host na sina Almira Teng, Camille Canlas, at Fatima Bisan.
NOTICE: This article falls under promotional material for a politician's candidacy.