“If you thought you have seen the best of me, you have to wait and see,” ang deklarasyon ni Winwyn Marquez nang ipakilala siya bilang opisyal na kandidata ng Muntinlupa City sa 6th Miss Universe Philippines.
Hindi baguhan si Winwyn sa pagsali sa mga beauty pageant dahil nanalo na siya ng international crown noong Nobyembre 2017, ang Reina Hispanoamericana na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia.
Bago nagwagi sa nabanggit na international beauty competition, naranasan ni Winwyn na sumali sa 52nd Bb.Pilipinas noong Marso 2015 pero nabigo siya na makuha ang Bb.Pilipinas-Universe title na napanalunan ni Pia Wurtzbach.
Ipinaalaala ni Winwyn ang kanyang beauty pageant journey sa mga dumalo sa sashing ceremony ng Miss Universe Philippines-Muntinlupa 2025 na idinaos nitong Sabado nang hapon, Pebrero 8, 2025, sa isang five-star hotel sa Mandaluyong City.
“I am very overwhelmed right now. It’s been ten years, a decade when I first joined a pageant back in 2015 and eight years since I raised the flag in Bolivia.
“And now, I am back here, more ready than ever to stand onstage and represent Muntinlupa in the Miss Universe Philippines stage,” ang pahayag ni Winwyn.
“Maraming-maraming salamat po dahil naaalaala ninyo pa rin po ako kahit ten years ago na po yun.

“And I just want to say thank you to Ms. Anna Magkawas because if it was not for her, hindi po ako makakatayo dito ngayon. Hindi po ako makakasali.
“And of course, sa aking pinsan na nandito ngayon, si Michelle Dee, si MMD. She has been supportive since day one.
“Hindi ko alam kung paano ko ito gagawin kung hindi dahil sa kanya. She really gave me so much advice and I really, really look up to her.
“And sana hindi ko siya maipahiya at hinding-hindi ko siya ipapahiya. And of course to my family. My daughter is here also and to my partner.
“Sobrang saya ko po ngayon dahil makikita ninyo po uli ang Teresita sa Miss Universe Philippines,” ang sabi ni Winwyn na muling gagamitin ang kanyang tunay na pangalan na Teresita Ssen Marquez sa pagsali niya sa 6th Miss Universe Philippines.
Naniniwala si Winwyn na ngayon ang tamang panahon para muling subukan ang kapalaran niya sa prestigious national beauty pageant kaya muli siyang nagpasalamat kay Anna dahil sa pagpili sa kanya bilang kinatawan ng Muntinlupa City.
“I am someone who really takes on opportunities especially when it feels right and this moment is right here.
“Kung na-feel ko na tamang panahon para sa akin, gagawin ko and thanks to Miss Anna. Thanks to Miss Universe Philippines Organization and of course, the Miss Universe Organization for opening it to all women including us mothers.
“Kaya hindi na ako nagdalawang-isip. Sabi ko, yes gawin na natin ito dahil kailan pa ba ako magkakaroon ng ganitong klaseng opportunity ulit?”
Nangako naman si Anna Magkawas na ibibigay niya ang lahat ng suporta kay Winwyn.
Sinabi ni Anna na, “This is my first time, actually, to become a local director of this kind of pageant and we will do our very best to support our candidate.
Ang advocacy siyempre, yung ipino-promote, yun naman ang pinakamahalaga, ang women empowerment—to inspire all the Filipinas out there na kahit na nasaan ka man, kahit na may anak ka na, puwede pa rin.”