PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kenken Nuyad, binalikan ang hirap na dinanas noong pandemya

Kenken Nuyad, malaki ang pasasalamat na nakabalik via In Thy Name.
by Jojo Gabinete
Published Feb 7, 2025
kenken nuyad former child star
Former child actor Kenken Nuyad considers the movie In Thy Name as his comeback vehicle: "Kasi po, this film po is malaking tulong sa akin. Natulungan po kasi ako nito ng [In Thy Name] financially, at saka po nakagawa po ako ng karakter na nagpabago sa buhay ko."
PHOTO/S: GMA Network / Viva Films Instagram

Napaluha ang former child star na si Kenken Nuyad sa ginanap na media conference ng pelikulang In Thy Name nang ibahagi niya ang kahirapang dinanas ng kanyang pamilya noong panahon ng pandemya.

Napukaw ni Kenken ang interes at atensiyon ng lahat, lalo na ng kanyang co-star na si Jerome Ponce, na taimtim na pinakinggan ang bawat salitang binitiwan ni Kenken sa presscon ng pelikulang naganap nitong Huwebes ng hapon, Pebrero 6, 2025.

Read: Child actor Kenken Nuyad, nagmakaawang humingi ng tulong matapos ang pinsala ng Typhoon Ulysses

Naantig ang damdamin ng mga nakikinig sa malungkot na kuwento ni Kenken, na umaasang ang In Thy Name ang hudyat ng muling pagiging aktibo niya sa pag-arte.

Lahad ni Kenken: “Nung dumating po yung pandemic, napakahirap po ng talaga ng buhay ko po.

"Even yung father ko, nawalan ng trabaho, hindi po namin alam kung saan kami kukuha ng mga source.

"Kaya nung dumating na po yung opportunity na to, ito na po yung sign na baka bumalik na po ako sa industry.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namuo ang mga luha sa mga mata ni Kenken habang pinipilit pigilan ang pag-iyak nang pasamalamatan niya ang mga taong naging instrumento para makabalik siya sa industriya.

Saad niya: “Marami pa akong gustong pasalamatan, lalo na po si Direk Rommel [Ruiz], Direk Caesar [Soriano], at sa lahat po ng nag-contact sa akin.

"Kasi po, this film po is malaking tulong sa akin.

“Natulungan po kasi ako nito ng [In Thy Name] financially, at saka po nakagawa po ako ng karakter na nagpabago sa buhay ko.

“Challenging po sa akin kasi mahirap po talagang gampanan yung role ko po na isang bata na pari na nagkaroon ng good relationship sa Panginoon, kaya napaka-grateful kong tinanggap ko po ang film na ito."

Read: McCoy de Leon, "pambawi" ang pagganap na pari sa In Thy Name sa kasamaan ni David sa Batang Quiapo.

AWKWARD AGE

Si Kenken ay premyadong child actor pero nawalan ng mga proyekto sa pelikula at telebisyon nang tumuntong siya sa alanganing edad o awkward age.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
kenken nuyad alyas robin hood
Kenken Nuyad in Alyas Robin Hood
Photo/s: GMA Network

Maluwag sa loob na tinanggap ni Kenken ang masakit na katotohanan kaya nananalig siyang makababalik sa pag-arte dahil sa karakter na ginampanan niya sa In Thy Name.

“Alam po natin na yung awkward age ko, dumating sa teenage years, siyempre po mahirap po makakuha ng projects.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya kapag may auditions po, pinupursige ko po yon para kahit papaano po, ganitong age ko po, may projects ako na nagagawa,” hindi nawawalan ng pag-asang deklarasyon ni Kenken.

Kabilang sa mga naging proyekto ni Kenken bilang child actor ay ang mga teleseryeng Juan Tamad (2015), Trops (2017), Alyas Robin Hood (2017), at Kambal Karibal (2018).

Napabilang din siya sa mga pelikulang Liway (2018), School Service (2018), Sol Searching (2018), Ani (2019), Magikland (2020), Bekis On The Run (2021), at Resbak (2021).

Ipinagmalaki ni Kenken na with honors siya bilang Grade 11 student dahil pinagbubuti niya ang pag-aaral.

Read: Where Are They Now: Child Stars From 10 Years Ago

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child actor Kenken Nuyad considers the movie In Thy Name as his comeback vehicle: "Kasi po, this film po is malaking tulong sa akin. Natulungan po kasi ako nito ng [In Thy Name] financially, at saka po nakagawa po ako ng karakter na nagpabago sa buhay ko."
PHOTO/S: GMA Network / Viva Films Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results