PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy de Leon "pambawi" ang pagganap na pari sa kasamaan ni David

McCoy de Leon, inaming nahirapang gumanap bilang isang pari.
by Jojo Gabinete
Published Feb 6, 2025
mccoy de leon in thy name batang quiapo
McCoy de Leon grabs the opportunity to play a martyred priest (left) in the movie In Thy Name to somehow take a breather from playing the evil David (right) in the primetime series FPJ's Batang Quiapo.
PHOTO/S: @mccoydeleon on Instagram

“Pambawi” ang salitang ginamit ni McCoy de Leon sa pagsasalarawan niya sa karakter ng martyred priest na si Fr. Rhoel Gallardo na kanyang ginampanan sa pelikulang In Thy Name.

Si Fr. Rhoel ang Claretian priest na pinatay ng mga miyembro ng Abu Sayyaf noong Mayo 3, 2000.

Hanggang sa huling hininga, hindi tinalikuran ni Fr. Rhoel ang kanyang pananampalataya at katapatan sa Simbahang Katoliko.

Read: Paring ginampanan ni McCoy de Leon, isinusulong for beatification

mccoy de leon fr. rhoel gallardo in thy name
McCoy de Leon (left) as martyred priest Fr. Rhoel Gallardo (right)
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni McCoy na “pambawi” ang pagganap nito bilang Fr. Rhoel kay David, ang kinasusuklamang karakter niya sa action-drama primetime series na FPJ's Batang Quiapo.

Saad ng Kapamilya actor, "To be honest, totoo namang pambawi rin sa mga hindi nakakakilala sa akin personally.

“Pero masasabi ko rin na pambawi sa mismong life ko ngayon, kasi two years na ako sa Batang Quiapo. Talagang mai-imbibe mo yung karakter.

"Kaya nung dumating itong In Thy Name, na-balance din kung paano ako tumanaw sa buhay ulit."

Nagpapasalamat si McCoy dahil ipinagkatiwala sa kanya ang pangunahing karakter sa In Thy Name.

“Siyempre, kapag gumawa ka ng karakter, minsan ididiin mo talaga sa pinakaloob mo at ikakarakter mo sa buhay mo.

"Kaya nakatulong din sa akin na ma-balance kung ano ang meron sa nararamdaman ko.

“Ito, ibang bigat. Abouth faith, about God naman, kaya ang sarap sa feeling na merong ganitong project for me,” dagdag na pahayag ni McCoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Universal Motion Dancers member Norman Santos dies at 52

MCCOY DE LEON ON SHIFTING FROM DAVID TO FR. RHOEL

Aminado si McCoy na mabigat ang papel na ginagampanan niya, bilang kontrabidang si David, sa Batang Quiapo kaya nahirapan siya nang gawin niya ang In Thy Name.

“Yes po, nahirapan lahat,” rebelasyon ni McCoy.

“Mentally, physically, kahit na spiritually po. Sa totoo lang, ang hirap kasi ibang tao.

“At the same time, totoong tao si Fr. Rhoel at napakaimportante na hindi magkamali sa mga bagay-bagay, hindi lamang sa eksena [kundi] sa paano gumalaw.

"Kaya mabuting inaral talaga namin, sa tulong din ng GreatCzar Media Productions.

“Nabigyan ako ng pagkakataon ni Direk Rommel na mapaghandaan ito.

"Tinuruan ako kung paano magmisa, kung paano maging isang missionary, kung paano maging isang Fr. Rhoel.”

mccoy de leon as father rhoel gallardo
McCoy de Leon in In Thy Name
Photo/s: @mccoydeleon on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa hiwalay na panayam ng Cabinet Files sa direktor ng In Thy Name na si Rommel Ruiz, pinatotohanan niyang nahirapan si McCoy sa pagbibigay-buhay kay Fr. Rhoel dahil may mga pagkakataong lumilitaw ang asal ni David, ang karakter ng aktor sa Batang Quiapo.

“Nahirapan si McCoy. Kailangan kong ipaalaala sa kanyang mag-tone down sa mga eksena dahil lumilitaw si David kapag nagsasalita siya,” pagbabahagi ni Direk Rommel.

Pero masaya raw ang direktor sa ipinamalas na pagganap ni McCoy sa kanilang pelikulang itatanghal sa mga sinehan sa Marso 5, 2025.

Read: Cristine Reyes deletes throwback photo with Barbie Hsu after mixed reactions from netizens

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon grabs the opportunity to play a martyred priest (left) in the movie In Thy Name to somehow take a breather from playing the evil David (right) in the primetime series FPJ's Batang Quiapo.
PHOTO/S: @mccoydeleon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results