PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes, nag-post ng throwback photo nila ni Barbie Hsu

Cremated remains ni Barbie Hsu, iuuwi na sa Taiwan sa February 6.
by Jojo Gabinete
Published Feb 5, 2025
cristine reyes barbie hsu throwback photo
Filipino actress Cristine Reyes (left) commemorates her 36th birthday with a throwback photo with Taiwanese actress Barbie Hsu (right photo), who passed away on February 2, 2025.
PHOTO/S: Cristine Reyes Instagram / Facebook

Ngayong Miyerkules, Pebrero 5, 2025, ang ika-36 kaarawan ni Cristine Reyes.

Ginunita ng aktres ang araw ng kanyang pagsilang sa pamamagitan ng isang Facebook post tungkol sa Taiwanese actress at Meteor Garden star na si Barbie Hsu.

Binawian ng buhay si Barbie dahil sa pneumonia noong Pebrero 2, 2025.

Siya ay 48.

Read: Barbie Hsu: Remembering the Meteor Garden's leading lady

Ibinahagi ni Cristine sa FB post nito ang throwback photo kung saan kasama niya si Barbie.

Caption ng aktres, “Rest in peace Shancai, our childhood favorite. Also, Happy 36th to me today.”

May hashtags itong #happybirthdaytome, #meteorgarden at #barbieshu — patunay na isa si Cristine sa libu-libong Pilipinong tagahanga ng namayapang aktres.

cristine reyes post
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BARBIE HSU: FROM JAPAN TO TAIWAN

Binawian ng buhay si Barbie sa Tokyo, Japan, noong Pebrero 2.

Nagpasya agad ang kanyang pamilya na ipa-cremate ang bangkay niya.

Mula sa Japan, nakatakdang iuwi ang cremated remains ni Barbie sa Taiwan sa Huwebes, Pebrero 6. Dadalhin ito ng kanyang asawa at nakababatang kapatid.

Read: Funeral arrangements para kay Barbie Hsu, inaayos ng pamilya

Nauna nang bumalik sa Taiwan, galing sa Japan, ang ina ni Barbie noong Martes, Pebrero 4.

Nakiusap ang ina ni Barbie sa mga miyembro ng media na igalang ang kanilang pribadong pagluluksa.

FAKE VIDEO

May kumakalat sa social media na video ng cremation diumano sa mga labi ni Barbie habang umiiyak ang isang batang babae at lalake, na anak at asawa umano ng yumaong aktres.

Pero hindi ito dapat paniwalaan dahil malinaw na panlilinlang lamang ito ng mga content creator na nagnanais magkaroon ng maraming views.

Read: Meteor Garden star Barbie Hsu dies at 48

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FLU VACCINE

Ang pagpanaw ni Barbie dahil sa severe flu complications ang nag-udyok sa Centers for Disease Control (CDC) ng Taiwan na hikayatin ang mga mamamayan na magpabakuna at maging alerto sa mga sintomas ng nabanggit na sakit.

Inihayag ni CDC Deputy Director-General Tseng Shu-hui na umabot sa 162,352 ang bilang ng mga nagsadya sa mga ospital sa Taiwan mula Enero 19 hanggang Enero 25, 2025 para ikonsulta sa mga doktor ang kanilang flu-like na karamdaman.

Pinaghihinalaang meron nang influenza si Barbie nang dumating sila ng kanyang pamilya sa Japan para ipagdiwang ang Chinese Lunar New Year, at lalong lumala ang karamdaman niya nang maligo siya sa isang hot spring sa Hakone.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino actress Cristine Reyes (left) commemorates her 36th birthday with a throwback photo with Taiwanese actress Barbie Hsu (right photo), who passed away on February 2, 2025.
PHOTO/S: Cristine Reyes Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results