PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark, payag maging housemate sa PBB Celebrity Edition Collab?

Mark Herras, kinuhang guest speaker sa isang private university.
by Jojo Gabinete
Published Feb 4, 2025
mark herras pbb
Mark Herras accepts invitation to be a guest speaker in a school event after his interview about performing in a gay bar went viral.
PHOTO/S: @herrasmarkangeloofficial on Instagram

"Pag-iisipan kong mabuti."

Ito ang sagot ni Mark Herras nang itanong ng Cabinet Files ang posibilidad ng paglahok niya bilang isa sa celebrity housemates ng Pinoy Big Brother (PBB), ang reality competition program na magkasanib-puwersang ibabalik ng ABS-CBN at GMA-7 sa telebisyon.

Read: ABS-CBN, GMA-7 join forces for PBB Celebrity Edition Collab

Nababasa ni Mark sa social media ang hiling ng mga taong isali siyang housemate sa PBB Celebrity Edition Collab, pero hindi madali para sa kanya ang magdesisyon dahil sa pamilya niya.

Limang buwan na ang ipinagbubuntis ng asawa ni Mark na si Nicole Donesa kaya hindi siya puwedeng mawala nang matagal sa tabi ng misis niya.

Hindi pa alam ni Mark ang kasarian ng bata dahil hindi pa sumasailalim sa ultrasound si Nicole.

Pero kung siya ang tatanungin, lalaki pa rin ang gusto niyang maging pangalawang anak nila.

Read: Mark Herras, Nicole Donesa expecting second child

Mark Herras, Nicole Donesa
Mark Herras with wife Nicole Donesa and their son Corky.
Photo/s: @nicole_donesa on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagtapat ni Mark na may permiso ni Nicole ang pagsasayaw niya sa gay bar at "huwag maki-table" sa mga customer ang tanging bilin ng kanyang maunawaing asawa.

Pinag-usapan at naging mainit na talakayan ang pagsasayaw ni Mark ng hip-hop sa isang gay bar sa Pasay City.

May mga bumatikos kay Mark pero mas marami ang humanga sa katuwiran nitong kailangan niyang maghanapbuhay nang marangal para sa kanyang pamilya.

Read: Mark Herras, walang pagsisisi sa pagpe-perform sa gay bar

MARK HERRAS INVITED TO BE A GUEST SPEAKER

Dahil sa kontrobersiya at ingay na nilikha ng pagsasayaw ni Mark sa gay bar, interesado uli ang management na kunin ang kanyang serbisyo para sa darating na Valentine’s Day.

Ito ang kanilang nakatakdang pag-usapan.

May positibo ring epekto kay Mark ang kontrobersiya ng pagtatanghal niya sa gay bar dahil nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa isang grupo ng mag-aaral mula sa isang private university.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi makapaniwala si Mark na iniimbitahan siyang maging guest speaker sa school event ng unibersidad.

Humanga umano ang mga estudyante sa wisdom na ipinamalas niya sa mga panayam sa kanya tungkol sa pagtatanghal sa gay bar.

“Tinanggap ko na ang imbitasyon!” natatawa at namamanghang pahayag ni Mark sa Cabinet Files tungkol sa kanyang speaking engagement.

Read: Mark Herras, nag-show sa isang male entertainment bar

Sa kasalukuyan, walang talent manager na namamahala sa entertainment career ni Mark mula nang matapos ang kontrata niya sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA Network.

Pero may network program contract pa siyang may bisa hanggang 2026.

At dahil walang manager si Mark, siya ang tinatawag at kinakausap ng mga show producer na nais kumuha sa kanyang serbisyo.

Sa ngayon, sunud-sunod ang mga out-of-town show niya para sa mga fiesta at basketball games na nilalahukan nila ng mga kapwa-artista.

Read: Mark Herras says no bad blood with Sparkle; still with GMA-7

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Herras accepts invitation to be a guest speaker in a school event after his interview about performing in a gay bar went viral.
PHOTO/S: @herrasmarkangeloofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results