Trigger warning: Mention of torture, murder
Si McCoy de Leon ang gumanap na Fr. Rhoel Gallardo (Nobyembre 29, 1965 – Mayo 3, 2000) sa pelikulang In Thy Name na ipalalabas sa mga sinehan sa Marso 5, 2025
Ang In Thy Name ay tungkol sa buhay ng paring pinaslang ng mga miyembro ng terrorist group na Abu Sayyaf sa Basilan.
Read: McCoy de Leon thanks daughter Felize for saving him: "Binigyan mo ng chance si Daddy."

Si. Fr. Gallardo ay isang Catholic Claretian missionary na naging ganap na pari noong 1994.
Pinili niyang magsilbi sa parish ng Tumahubong sa Sumisip, Basilan.
Noong Marso 20, 2000, kabilang si Gallardo sa mga kinidnap ng Abu Sayyaf na lumusob sa Claret School compound sa Tumahubong.
Noong Mayo 3, 2000, natagpuan ang bangkay ni Gallardo na may tama ng tatlong bala sa katawan.
Tanggal din ang kanyang mga kuko na ebidensiya ng matindi at hindi makataong kalupitang dinanas sa kamay ng mga dumukot sa kanila ng mga kasama niya.
Read: Jay Ruiz on push for beatification of cousin Niña Ruiz Abad
PUSH FOR FR. GALLARDO'S BEATIFICATION
Dalawampu’t isang taon matapos paslangin si Fr. Gallardo, noong Mayo 3, 2021, binuksan ang cause at isinulong ng mga Claretian ang beatification niya bilang martir ng Simbahang Katoliko.

Marami ang nagpatotoo sa kanyang pagbibigay ng spiritual support tulad ng pagdarasal ng banal na rosaryo, kasama ang ibang mga bihag ng Abu Sayyaf, bago sila pinaslang.
Pinrotektahan din ni Gallardo ang kanyang mga kasamahan at pinigilan niya ang panggagahasa ng Abu Sayyaf sa mga bihag na kababaihan.
Higit sa lahat, hindi niya sinunod ang kagustuhan ng Abu Sayyaf na tuligsain at talikuran ang kanyang pananampalataya bilang Katoliko.
Mula sa direksiyon ni Caesar Soriano ang In Thy Name.
Co-stars ni McCoy sa pelikula sina Jerome Ponce at JC de Vera.
Bilang paggunita sa mga alaala at kabayanihan ni Fr. Gallardo, ipinangalan sa kanya ng Claret School of Quezon City ang Gallardo Hall.
Dito idaraos ang nakatakdang paglulunsad sa In Thy Name, pagkatapos ng isang banal na misa na dadaluhan ng mga pangunahing artista ng pelikula.