PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Police officer na nasawi sa D.C. plane crash, susunduin ng asawa

PCol. Pergentino Malabed Jr., di natupad ang pangako sa anak.
by Jojo Gabinete
Published Feb 1, 2025
pergentino malabed family
Rio Taganas-Malabed, wife of PCol. Pergentino Malabed Jr., flies to Washington, D.C. to fetch the body of her husband, who is among the 67 victims of the American Airlines-U.S. Army helicopter crash.
PHOTO/S: Rio Alanis Taganas Malabed Facebook

Lumipad patungo sa Washington D.C., USA, ang biyuda ni Police Colonel Pergentino "Bong" Malabed na si Rio Alanis Malabed nitong Sabado ng umaga, Pebrero 1, 2025.

Si Bong ang Philippine National Police (PNP) officer na kabilang sa mga pasahero ng American Airlines na nasawi nang banggain sa himpapawid ng isang U.S. army helicopter ang eroplano sa malagim na trahedyang nangyari noong Enero 29, 2025.

Read: Pinoy police officer, kabilang sa nasawi sa Washington, D.C. plane crash

Kasalukuyang bumibiyahe si Rio nang makipag-ugnayan sa kanya ang Cabinet Files ngayong gabi, ganap na 6:01, sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Sinabi ni Rio na nasa flight na ito dahil umalis siya sa Pilipinas ng 10:30 A.M. para sunduin at iuwi sa bansa ang bangkay ng kanyang asawa.

Si Rio ang pinakamalapit na kamag-anak ng nasawi kaya tanging siya ang pinahintulutan ng pamahalaan ng Amerika para kilalanin ang asawa niya.

BONG'S LAST GOODBYE TO THREE-YEAR-OLD DAUGHTER

Naulila ni Bong si Rio at ang kanilang three-year-old na anak na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makadurog-puso ang video ni Bong at ng anak niyang si Talna nang magpaalam sila sa isa’t isa noong Enero 22, 2025, ang araw na lumipad ang police officer papunta sa India para bumili ng mga vest na gagamitin ng mga miyembro ng PNP.

Si Rio ang nag-post ng video sa Facebook.

Sa video na kuha sa Ninoy Aquino International Airport, pumapalahaw nang iyak ang bata dahil ayaw niyang magkahiwalay sila ng kanyang "dada," na huling pagkakataon na pala ng pagkikita nila.

“Babay, I love you. I’ll see you soon. I’ll see you soon, baby,” pagpapaalam ni Bong sa anak nitong paulit-ulit niyang pinupog ng halik at halos hindi maiwan.

“See you next month” naman ang paalam ni Rio sa kanya.

Caption ni Rio sa video: “Wawab has a 12-day business trip to India and the US kaya hinatid namin siya sa airport. Talna’s crying because this time, we can’t come with Dada because it’s work-related.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Talna will miss her classes, and it's just a 4-day trip to the US. (Lugi sa pagod at pamasahe)"

Mensahe pa ni Rio kay Bong: "See you next month, Dada!

"Enjoy the weather hahahaha bilhan mo na lang daw si bibi ng makeup nya. Lablab. [heart emoji]

Read: South Korean networks cancel TV shows after plane crash tragedy

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RIO FLIES TO U.S. TO IDENTIFY BONG'S REMAINS

Nakatakda sana ang pagbabalik ni Bong sa Pilipinas bukas, Pebrero 2.

Pero hindi na siya nakauwi nang buhay dahil sa nakagigimbal na aksidenteng naganap.

At imbes na siya ang umuwi ng bansa, ang kanyang asawa ang pumunta sa Amerika para kilalanin at maiuwi sa Pilipinas ang mga labi niya.

Makabagbag-damdamin ang mensahe ni Rio para sa anak nila ni Bong, ilang oras bago siya lumipad sa Amerika ngayong Sabado.

“Alis muna si mommy, bibi ha?” pamamaalam ni Rio sa kanyang anak.

“First time natin magkakahiwalay nang matagal. Don’t worry, I’ll bring dada home. Labyu, my Talna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito naman ang nakakaantig na pahayag ni Rio sa kanyang namayapang asawa, “Papunta na ako sa’yo lablab ko. Magkikita na tayo ulit.”

Kasama na ang pangalan ni Pergentino Malabed sa opisyal na listahan ng 67 na namatay sa banggaan sa himpapawid ng commercial plane na lulan siya at ng U.S. army helicopter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malapit nang lumapag ang American Airlines aircraft sa Ronald Reagan Washington National Airport nang banggain ito ng helicopter, sumabog, at parehong nalaglag sa Potomac River.

Read: Military nurse na nasawi sa Sulu plane crash, sumalo lang sa kasamahang nurse

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rio Taganas-Malabed, wife of PCol. Pergentino Malabed Jr., flies to Washington, D.C. to fetch the body of her husband, who is among the 67 victims of the American Airlines-U.S. Army helicopter crash.
PHOTO/S: Rio Alanis Taganas Malabed Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results