Naglabas ng opisyal na pahayag ang Philippine National Police (PNP) tungkol sa pagpanaw ni Police Colonel Pergentino N. Malabed Jr.
Si Malabed ay kabilang sa mga nasawi sa banggaan sa himpapawid ng American Airlines, kung saan siya nakasakay, at ng U.S. Army Black Hawk helicopter sa malagim na aksidenteng nangyari sa Washington, D.C., noong Miyerkules, Enero 29, 2025.
Read: South Korean networks cancel TV shows after plane crash tragedy
Kasama si Malabed sa 67 pasaherong namatay sa insidenteng gumimbal sa buong mundo.
Ayon sa PNP, nasa "official travel" si Malabed nang mangyari ang insidente.
Buong pahayag ng PNP: “The Philippine National Police mourns the tragic loss of Police Colonel Pergentino N. Malabed, Chief of the Supply Management Division, who was among those on board the American Airlines flight that collided midair with a U.S. Army Black Hawk helicopter near Reagan National Airport in Washington, D.C., and crashed into the Potomac River on Wednesday night.
“PCOL Malabed was on official travel at the time of the incident, fulfilling his duty as a dedicated police officer—committed to the service of protecting and securing both the PNP and the nation.
“His untimely passing is a profound loss to the PNP, where he served with honor, integrity, and dedication throughout his career.
“We extend our deepest condolences to his bereaved family, loved ones, and colleagues. The PNP is committed to providing them with all necessary support during this difficult time.
“As we grieve this tragic event, we also honor the dedication and sacrifice of PCOL Malabed. His contributions to the PNP and the nation will never be forgotten.May he rest in peace.”
Read: Military nurse na nasawi sa Sulu plane crash, sumalo lang sa kasamahang nurse
MALABED WAS ON OFFICIAL TRAVEL
Sa press briefing na ginanap sa Camp Crame, Quezon City, nitong Biyernes, Enero 31, kinumpirma ni PCOL Randulf Tuaño, chief ng Public Information Office, na opisyal ang biyahe ni Malabed sa Amerika.
Inilahad niya sa mga miyembro ng media ang pakay at mga lugar na pinuntahan ng pumanaw na police officer.
“Si Col. Malabed po, may kasama siya, isang PNCO [Police Non-Commissioned Officer] at isa pong NUP [Non-uniformed personnel], meron po silang foreign travel authority upang pumunta sa India, actually po, upang for print, delivery inspection po ng 2,675 na vests po na bibilhin ng PNP,” panimulang salaysay ni Tuaño.
“Siya po ay nakarating sa India noong January 22, from Manila, at dumating din po siya nung same day.
“Ang ginawa po nila doon, napag-alaman po natin sa ating foreign liaison division, na out of the 2,675, nag-test po sila dun ng anim [na vests].
“Yung isa po ay iniwan nila sa India, at yung lima po ay dadalhin nila sa shop ng kompanyang ito sa USA, kung saan nila gagawin yung pag-testing po nung binibili na vests.
“Yung papunta po ng Manila to India, kasama po niya [ang PNCO at NUP]. And then from India to Kansas, USA, umalis po sila nung January 27.
“Tapos ang usapan po nila, dahil medyo resources ang pinag-uusapan, ang instruction po sa kanila ng direktor ng logistics na mag-courtesy call or mag-exit call si Col. Malabed po kay Col. Moises Villaceran, ito po yung ating police attaché sa Washington.
“So from India, nagpunta po siya ng Kansas papunta ng Washington para po mag-courtesy call or exit call kay Col. Moises Villaceran po, yung atin pong police attaché PNP po dun.”
Read: Russian actress, patay matapos tangayin ng alon habang nagyo-yoga
THE PLANE CRASH
Ayon sa mga ulat, naghahanda nang lumapag ang American Airlines plane sa Ronald Reagan Washington National Airport nang banggain ito ng military helicopter sa may Potomac River.
Patay ang lahat ng 67 kataong lulan ng dalawang sasakyang panghimpapawid.
Bukod kay Malabed, kabilang din sa mga biktima ang top figure skaters mula sa Amerika at Russia na galing sa training camp; ilan sa mga magulang ng batang figure skaters na sinamahan ang kanilang mga anak; mga piloto at flight attendants; at dalawang lawyers.
Read: Pagkahulog ni Liam Payne sa hotel balcony, nakunan ng CCTV