PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daig Kayo ng Lola Ko, nagbigay-pugay kay Gloria Romero

Direk Rico Gutierrez, binalikan ang magagandang alaala niya kay Gloria Romero.
by Jojo Gabinete
Published Jan 31, 2025
gloria romero daig kayo ng lalo ko
The late Queen of Philippine Cinema Gloria Romero's last appearance on television was GMA-7's Daig Kayo ng Lola Ko (2017-2020).
PHOTO/S: GMA Network

Isang pagpupugay sa pumanaw na beteranang aktres na si Gloria Romero ang mapapanood sa bagong kabanata ng Daig Kayo ng Lola Ko bukas, Sabado, Pebrero 1, 2025.

Pinangungunahan ni Barbie Forteza at ng South Korean actor na si Kim Jisoo ang episode na may pamagat na "My Crown Prince."

barbie forteza kim jisoo daig kayo ng lola ko
Barbie Forteza and Kim Jisoo star in the "My Crown Prince" episode of Daig Kayo ng Lola Ko"
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago nagsimula ang taping ng "My Crown Prince" episode ng Daig Kayo ng Lola Ko, nag-alay muna ng dasal ang cast at production staff ng programa para sa kapayapaan ng kaluluwa ng sumakabilang-buhay na Philippine movie icon.

Read: Gloria Romero: Remembering the Queen of Philippine Cinema

daig kayo ng lola ko goria romero
Daig Kayo ng Lola Ko cast members (from extreme left) Barbie Forteza, Divine Aucina, and Kim Jisoo join the production staff in offering a prayer for the late Gloria Romero.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GLORIA ROMERO AS THE ORIGINAL LOLA

Si Gloria ang title role sa Daig Kayo ng Lola Ko nang mag-umpisa itong mapanood sa GMA-7 noong Abril 30, 2017.

gloria romero daig kayo ng lola ko
Gloria Romero as a fairy godmother in the pilot episode of Daig Kayo ng Lola Ko
Photo/s: GMA Network

Pansamantalang nahinto ang pagpapalabas sa drama fantasy anthology ng Kapuso Network dahil sa coronavirus pandemic noong 2020.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang unti-unting maging normal ang sitwasyon, nagbalik si Gloria sa Daig Kayo ng Lola Ko pero kinunan na lamang ang kanyang mga eksena sa bahay niya sa New Manila, Quezon City.

Read: Gloria Romero, pumayag lumabas sa fifth anniversary ng Daig Kayo ng Lola Ko

DIREK RICO GUTIERREZ REMEMBERS GLORIA ROMERO

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa direktor ng Daig Kayo ng Lola Ko na si Rico Gutierrez para sa mga hindi niya malilimutang alaala tungkol sa namayapang aktres.

rico gutierrez gloria romero daig kayo ng lola ko
Direk Rico Gutierrez and Gloria Romero
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Direk Rico, “May VTR tribute kami para kay Tita Glo sa bagong episode ng Daig Kayo ng Lola Ko, si Jillian Ward ang nag-voiceover dahil matagal silang nagkasama sa programa.

“Almost seven years na ang show namin at sa loob ng three years, nakasama namin si Tita Glo, bago nagkaroon ng COVID.

“Nalungkot siya nang mahinto ang taping namin noon. Gusto niyang mag-taping.

"Lagi niyang sinasabi, ‘It keeps me young.’

“So, nakapag-try pa kaming mag-taping sa bahay niya, siguro mga good six episodes din.

“Nang mag-taping kami sa garden ng bahay niya, tuwang-tuwa talaga siya. Excited siya.

"Kasi for a time, nagkaroon siya ng vertigo kaya nili-limit din namin ang hours ng taping niya.”

gloria romero daig kayo ng lola ko
Gloria Romero with the child stars of Daig Kayo ng Lola Ko: (from left) Jillian Ward, Julius Miguel, Chlaui Malayao, and David Remo
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Direk Rico, nag-iwan sa kanya ng magagandang alaala at mga aral sa buhay ang movie icon.

Lahad niya: “Sobrang thoughtful niya. Kapag kakain, gusto niya sabay-sabay kami. Parang lola talaga siya.

“Nagkukuwento siya tungkol sa kabataan niya, kung paano siya naging artista.

“Dapat daw ang mga artista, kailangang mag-save.

“Kapag sinabi ko na ‘Tita Glo, you’re so beautiful,’ sasabihin niya, ‘Ikaw talaga, I am old already but I will take that as a compliment,’ na parang nahihiya siya.

“There was a time na hindi na siya nagte-taping, tumatawag siya para sabihin na, 'I watched the episode. Sobrang ganda.'

“In general, maging professional ang important lesson na natutunan ko mula kay Tita Glo kasi very professional siya.

“When she goes to the set, alam na niya yung lines niya. Pati lines ng mga artistang kasama niya sa eksena, alam niya, despite her age.

"Talagang ehemplo siya ng mga artista. Sana katulad siya ng mga artista ngayon na on set na lang nagme-memorize ng lines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gloria's daughter and grandson recount last moments with actress

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The late Queen of Philippine Cinema Gloria Romero's last appearance on television was GMA-7's Daig Kayo ng Lola Ko (2017-2020).
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results