Apat na buwan matapos mag-enroll sa isang aviation school noong Setyembre 2024, para matupad ang pangarap na makapagpalipad ng eroplano, ganap na ang pagiging private pilot ni Xian Liam.
Ito ang ibinalita ng aktor sa mga sumusuporta sa kanya.
Bilang private pilot, tatlong beses sa isang araw ang biyahe ni Xian sa iba’t ibang mga lugar.
Ito ang bago niyang pagkakaabalahan bukod sa pag-arte, pagsusulat ng mga kuwento para sa mga pelikula, at pagiging direktor.
Read: Xian Lim sa natutunan niya tungkol sa pag-ibig: "I think it teaches you pain."
“It's official! PRIVATE PILOT! Still in the clouds from everything that happened,” masayang pahayag ni Xian sa kanyang social media post.
Lubos ang pasasalamat ni Xian sa lahat ng mga taong naging instrumento para magkaroon ng katuparan ang pangarap niyang maging lisensyadong piloto.
Saad niya: “More flights, more aerodromes, and more and more cross country flights to come!
"As always, maraming salamat Capt. @sahl.onglatco for the trust and for always providing your students with inspiration.
“To my check ride pilot, Capt. Villarin, what an unforgettable experience in the sky. HAPPY CHINESE NEW YEAR everyone!”
Read: Xian Lim: "Everything happens for a reason."
View this post on Instagram
XIAN LIM'S LIFE-CHANGING JORUNEY
Nasubaybayan ng publiko ang mga paglalakbay ni Xian bilang piloto dahil hindi siya naging maramot sa pagbabahagi ng mga larawan at video ng kanyang pilot training — mula sa paggising niya sa umaga, pagsusuot ng uniporme, pag-iinspeksyon, pagsakay at pagpapalipad ng eroplano.
Nilagyan niya ito ng “Road to getting my private pilot license.”
View this post on Instagram
Para kay Xian, isang life-changing journey ang bagong kabanata ng kanyang buhay bilang piloto.
Naging makabuluhan ito dahil isinilang siya noong Hulyo 12, 1989, na Year of the Snake, ayon sa Chinese Zodiac.
Taon ni Xian ang 2025 dahil Year of the Snake din ang sinalubong at ipinagdiwang noong Miyerkules, Enero 25, 202, kaya may dahilan siya para ipagbunyi ang Chinese New Year na pinaigting ng pagkakaroon niya ng Chinese blood.