Kabilang ang multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga tumanggap ng parangal mula sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCI) dahil sa kanyang mga hindi matatawarang kontribusyon sa broadcast industry.
Naganap ang pagtanggap ni Jessica ng parangal sa isang events place sa Pasay City, kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year, nitong Miyerkules ng gabi, Enero 29, 2025.
"I am twenty-five percent Chinese," pakilala ni Jessica sa sarili.
Read: Why Jessica Soho is one of GMA-7's "most-prized gems"

SPECIAL RECOGNITION FROM CHINESE COMMUNITY
Itinuturing ni Jessica na espesyal ang parangal na ipinagkaloob sa kanya ng FFCCCI dahil pagbibigay-pugay na rin ito sa mga ninuno niya na nagmula sa Guangdong, China.
Saad ng veteran broadcast journalist sa panayam ng Cabinet Files: “Yung lolo ko came from Guangdong province around ninety years ago.
"They didn’t have much, sabi nga only with shirts in their back.
“Somehow they made it here, nagkaroon kami ng malaking pamilya.
"And I am very happy na tonight, they’re honoring my Chinese side.
"Ako naman, I feel this is also my chance to honor my Chinese grandfathers kasi unfortunately they passed away.
“Hindi sila nakabalik ng China except for one, nakapasyal siya.”
Read: Gold medal ng Kapuso Mo, Jessica Soho mula 2023 New York Festivals, malaking milestone
Mapalad ang pakiramdam ni Jessica dahil napuntahan niya sa China ang lugar na pinanggalingan ng kanyang mga kamag-anak.
Lahad niya, “I also count myself lucky na I had the chance in 2007 to trace my roots to that very small village outside of Guangdong City.
“Tonight is special kasi 40th year ko na rin [as broadcast journalist].
“Sabi nga ng mga tao, hindi raw nila alam na meron akong Chinese blood.”
JESSICA inherited CULINARY SKILLS FROM CHINESE GRANDFATHER
Sa panayam ng Cabinet Files, ipinagmalaki ng nirerespetong top-notch broadcast journalist na namana niya ang karunungan sa pagluluto mula sa kanyang Chinese lolo na isang chef.
“I can actually cook a lot of Chinese dishes kasi nga yung isang lolo ko, chef sa restaurants.
"Cantonese kami, e. Di ba, ang mga Cantonese renowned for their cuisine?
“I think it’s safe to say, baka magalit yung ibang Chinese... na it’s safe to say that in many parts of the world, Cantonese is the best Chinese cuisine.
“I can cook. Yung iba minana namin sa aming mga lolo, even from my uncles,” kuwento ni Jessica.
Paborito rin ni Jessica na magluto ng gulay dahil Ilocano siya.
Read: Jessica Soho looks back on last encounter with Mike Enriquez in memorial letter