Isang intimate dinner para sa ika-64 kaarawan ng TV host na si Willie Revillame ang ginanap sa isang restaurant bar sa Bonifacio Global City noong Lunes, Enero 27, 2025.
Ang naganap na pagtitipon ay birthday treat daw para kay Willie ng kanyang kaibigan, kababayan, at business partner na si GP party-list representative GP Padiernos.
Read: Willie Revillame, ipinagdiwang ang 64th birthday sa Iloilo
Kahit last minute ang imbitasyon sa birthday dinner para kay Willie, dumating pa rin ang kanyang mga anak na sina Meryll Soriano, Marimonte, at Juamee; at mga apo.

Naroroon din ang matatalik na kaibigan niya mula sa Cabanatuan; ang mga executive ng TV5; ang mga co-host niya sa Wil To Win; sina John Estrada, Randy Santiago, at ang composer na si Lito Camo.
Read: Willie Revillame, first time solong nagpalipad ng helicopter
MTB HOSTS REUNION
Reunion ng mga host ng Magandang Tanghali Bayan (MTB) ang nangyari dahil sa muling pagsasama-sama nina Willie, John, at Randy na nagbalik-tanaw tungkol sa maliligayang araw nila bilang mga orihinal na host ng programa.
Ang MTB ay ang defunct noontime variety show ng ABS-CBN na napanood mula Nobyembre 1998 hanggang Pebrero 2003.

Binati ni John si Randy dahil ito ang pansamantalang papalit kay Willie bilang host ng Wil To Win.
Matagal na hindi mapapanood si Willie sa kanyang game at public-service show dahil magiging abala na siya sa pangangampanya para sa senatorial bid niya.
Read: Randy Santiago, papalitan muna si Willie Revillame sa Wil To Win
Inawit ni Willie sa birthday party nito ang kanyang hit songs na "Ikaw Na Nga," na binigyan ng bagong areglo ni Vehnee Saturno; "Let’s Party"; "Kendeng-Kendeng"; at "Miss Pwede Ba?".
Sa pambihirang pagkakataon, magkakasamang sumayaw ang mga anak ni Willie habang kinakanta nito ang "Let’s Party."

Pumayag si Willie na ilabas ng PEP ang video nila ng kanyang mga anak habang masaya silang nagkakatuwaan.
Notice: This article falls under promotional material for a politician's candidacy.