Si Randy Santiago ang pansamantalang papalit kay Willie Revillame bilang host ng game and public-service program na Wil To Win.
Opisyal itong inanunsiyo ni Willie sa live telecast ng Wil To Win ngayong Lunes ng hapon, Enero 27, 2025 — na siya ring araw ng kanyang 64th birthday.
Pansamantalang mawawala si Willie sa kanyang programa dahil sa senatorial bid niya ngayong May 2025 elections.
Read: Willie Revillame, tuloy pa rin sa pag-host ng Wil To Win?
Bago niya ipinakilala si Randy, nakiusap si Willie sa manonood ng Wil To Win na patuloy na suportahan ang kanyang programa habang wala siya.
Ayon kay Willie, hindi pumayag ang pamunuan ng TV5 na mawala sa telebisyon ang Wil To Win kaya habang nangangampanya siya, si Randy ang hahalili sa kanya.
Saad niya: “Mawawala man ako ay itutuloy po natin ang programa para ho makapagbigay ng saya.
“Sana naman ho, e, huwag ninyong iiwan.
"Kasi ginawa itong programa na to para sa inyo, so kayo ang bida. Kayo ang maglalaro, kayo ang mananalo.”
Read: Female co-hosts ni Willie Revillame, tinanggal na sa Wil To Win
WILLIE REVILLAME INTRODUCES RANDY SANTIAGO
Kasunod nito ay ipinakilala ni Willie sa mga manonood si Randy, na kaibigan niya mula pa noong 1983.
“So, sino ba ang makakasama ng mga co-host ko? Sino ang papalit sa yo, Willie?
"E, wala naman iba, siya lang ang nakasama ko.
“Mga kababayan, ang taong nag-discover sa akin sa Lunch Date.
"Ang taong napakabait, walang kaaway. Ang ganda ng pagkatao ng taong ito.
"Walang iba ho, ang hindi nagbabago, Mr. Randy Santiago!” pagpapakilala ni Willie kay Randy.
Ang Lunch Date ang defunct noontime show ng GMA-7 na umere mula 1986 hanggang 1993.
Read: Randy Santiago reveals history of his iconic shades

Lahad pa ni Willie tungkol kay Randy, “Alam ninyo, nagkasama kami, OFW kami sa Singapore.
"Ako ang drummer niya, magkatabi kami sa kuwarto.
"Lahat ng damit niya, yun ang ginagamit ko. Yung akin, hindi ko ginagamit.”
Si Willie ay drummer noon ng Cicada Band, habang si Randy ang lead vocalist.
Pinatotohanan ni Randy ang kasipagan at pagsusumikap noon ni Willie kaya hindi raw siya nagtaka nang maging matagumpay na entertainment personality ang kanyang kaibigan.
Isinalaysay ni Randy na PHP250 per night ang perang kinikita nila noon bilang mga miyembro ng banda, pero kinontra ni Willie ang sinabi niya.
“PHP120 per night lang ako. Mas mahal ang singer kasi kayo ang naka-front,” pagtutuwid ni Willie.
Hanggang sa Pebrero 10, 2025 na lamang mapapanood si Willie sa Wil To Win.
Ang mga co-host ni Willie na sina Camille Canlas, Fatima Bisan, at Almira Teng ang makakasama ni Randy sa hosting job nito sa Wil To Win na posibleng tumagal ng apat hanggang limang buwan.
Read: Willie Revillame, ipinagdiwang ang 64th birthday sa Iloilo
Notice: This article falls under promotional material for a politician's candidacy.