Sinabi ni Bruce Roeland na ikagugulat ng lahat ang gagawin niya sa underwear fashion show ng isang popular na clothing company na magaganap sa Marso 2025, kaya magsisimula na ang kanyang paghahanda sa huling linggo ng Enero.
Si Bruce ang celebrity ambassador ng underwear line ng clothing company.
"It’s a very big surprise. It’s gonna be the biggest event of Bench," bungad nito.
Sa tanong kung magiging mapangahas din siya sa pagpapakita ng hubad na katawan sa idaraos na fashion show tulad nang ginagawa noon ni Wendell Ramos, napangiti si Bruce.
“Abangan ninyo na lang,” safe na sagot ni Bruce at saka itinangging siya ang papalit kay Wendell.
Read: Bruce Roeland, not on good terms ang hiwalay na mga magulang
Hindi madali ang pagpapakundisyon ni Bruce sa kanyang katawan dahil bukod sa pagbabawas ng mga kinakain, hindi siya umiinom ng tubig.
"Nagda-diet na ako kasi may [fashion show] ako. For example, kapag may special event, nagba-bulk ako ng one month. And then yung isang month, wala akong tubig, wala po akong kain.
"Yung pag-inom ko ng tubig pababa nang pababa. Three days before the event, wala nang tubig. Sip lang kapag nauuhaw," lahad ni Bruce tungkol sa paraan ng pagpapayat niya na kailangan ng patnubay ng mga doktor.
Isa si Bruce sa mga kabataan na aktor na nagtataglay ng magandang pangangatawan dahil regular ang pagpunta niya sa gym.
Nag-umpisa si Bruce sa showbiz bilang child star kaya marami ang nagugulat sa transformation o pagbabago ng kanyang pisikal na kaanyuan.
Read: Diana Zubiri, puring-puri ang Mga Batang Riles boys
BRUCE ROELAND: FROM ABS-CBN TO GMA
Ang Brapanese model-actor na si Daniel Matsunaga na nakasama noon ni Bruce sa television series na Be My Lady ang isa sa mga nabigla dahil binatang-binata na ang dating child actor.
Ikinuwento ni Bruce na nakatanggap ito ng mensahe mula kay Daniel na masaya dahil sa mga nangyayari sa kanyang showbiz career.
"Nag-start po ako sa Be My Lady sa ABS-CBN. I was eleven years-old, 20 years old na ako ngayon.
"And then sa GMA-7, marami na akong nagawa."
Natutuwa si Bruce dahil ikinukumpara siya sa Swedish-American actor at Masters of the Universe star na si Dolph Lundgren.
"I am grateful. Ayoko naman sabihin na tumataas ang ego ko, pero siyempre flattered talaga ako.
"May mga nagsasabi na kamukha ko raw si Superman so thankful ako dahil puwede akong maging Captain Barbell, kaya parang tumataas ang mga pangarap ko.
"Maybe balang araw, Captain Barbell na nga.”
Read: TV Ratings: Mga Batang Riles, kumasa ba sa Batang Quiapo?
BRUCE ROELAND ON BATANG RILES
May sagot din si Bruce sa mga negatibong pagpuna sa pag-arte niya sa Mga Batang Riles.
May kumakalat na meme kaugnay ng pag-arte ni Bruce sa madrama na eksena nila nina Desiree del Valle at Jay Manalo sa Mga Batang Riles.
"Hindi ko masyadong pinapansin yung mga bad comment," pahayag ni Bruce.
Dagdag niya: "Halos tumanda na ako sa showbiz, ang dami ko nang narinig na bad.
"Natutunan ko na from halos lahat ng mga artista, sina Kuya Ruru Madrid, David Licauco, na huwag pansinin yung mga bad.
"There will always be a bad comment about you."
Inilahad ni Bruce na mas marami ang mga magaganda kesa mga pangit na komentong natatanggap niya mula sa manonood tungkol sa kanyang pagganap sa action- drama series ng GMA-7.
"Sa good side, sobrang thankful ako. Siyempre, grabe yung kalaban namin, Batang Quiapo. Pero maganda ang mga feedback sa Mga Batang Riles. Sana tuloy-tuloy.