Humingi ng paumanhin ang security guard na sangkot sa viral video kung saan nakita ang marahas niyang pagpapaalis sa babaeng sampaguita vendor sa harap ng isang mall.
Umamin ang security guard na naubos ang pasensiya niya kaya sinira nito ang mga paninda ng sampaguita vendor sa kanilang engkuwentro na naganap noong Disyembre 17, 2024.
Read: Sampaguita vendor sa viral video, 22 anyos na at MedTech student
Ayon sa report ng 24 Oras ng GMA-7, nagsadya ang security guard sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) noong Lunes, Enero 20, 2025.
Ipinatawag ng PNP ang security guard at ang pamunuan ng security agency na pinagtatrabahuhan nito, ang Red Eye II Security and Services Inc., para sa kanilang imbestigasyon.
Sinabi ng Red Eye II operations manager na si Marvin Lacanglacang na hindi tinanggal sa trabaho ang security guard, pero pansamantala itong sinuspinde habang iniimbestigahan ang insidente.
Resulta ito ng opisyal na pahayag ng SM Megamall na, “We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation.
“The Security Guard has been dismissed and will no longer be allowed to service any of our malls.”
Read: Security guard sa viral video, tinanggal sa trabaho
Inihayag din ng Red Eye II ang planong ipatupad ang mga karagdagang programa at pagsasanay sa kanilang mga tauhan para maiwasan na maulit ang mga katulad na pangyayari.
Naganap ang engkuwentro sa pagitan ng security guard at ng sampaguita vendor noong Disyembre 17, 2024.
Makalipas ang halos isang buwan, noong Enero 15, 2025, saka pa lang kumalat at pinag-usapan ang video.
Ikinagulat ito ng mga sangkot sa insidente dahil hindi nila alam na nakunan ng video ang kanilang pagtatalo.
Tampok sa viral video ang marahas na pagpapaalis ng security guard sa sampaguita vendor at may hawak na kahong may nakasulat na “Namamasko po.”
Napag-alaman kalaunan na ang sampaguita vendor, na nakasuot ng high school uniform, ay 22 years old na at Medical Technology student sa isang pribadong eskuwelahan.
Read: Sampaguita vendor in viral video apologizes to security guard

RED EYE II SECURITY AND SERVICES STATEMENT
Noong Enero 16, 2025, agad naglabas ng pahayag ang Red Eye II Security and Services Inc. management tungkol sa insidenteng kinasasangkutan ng kanilang tauhan.
Nakasaad dito: “We acknowledge the viral video involving the guard at Megamall and deeply regret that this incident occurred. We sincerely apologize for the actions displayed in the video and assure everyone that we are already conducting due process with the guard involved.
“May this serve as a reminder to all agencies of the values we must uphold in performing our duties. It is crucial to prioritize de-escalation and avoid letting emotions take control of our actions.
“We are truly sorry for any distress this incident may have caused. Rest assured, we will continue to remind our team to act with empathy, compassion, and professionalism at all times. We remain fully committed to our client’s mission of inclusivity and ensuring that our actions reflect these values.”
Read: PNP: Security guard in viral video may face punishment
