Sina Angel Locsin at Iza Calzado ang ilang sa mga aktres na hinulaang magbabalik sa GMA-7 dahil sa social media post na isang "OG Kapuso" ang uuwi sa dati nitong tahanan.

Walang tumama sa hula ng ibang nagdunung-dunungan na gumawa pa ng mga art card dahil hindi si Angel o si Iza ang nagbalik sa Kapuso Network.
Ang magbabalik sa GMA-7 ay si Vina Morales.
Read: Vina Morales glad that network war is over
Makalipas ang dalawampu’t limang (25) taon, nagbabalik si Vina sa GMA-7 sa pamamagitan ng drama series na Cruz vs. Cruz.
Nagkaroon ng story conference ang Cruz vs. Cruz sa Kapuso Network studio noong Biyernes, Enero 17, 2025.
Makakasama ni Vina sa Cruz Vs.Cruz sina Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Lexi Gonzales, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Cassy Lavarias, Gilleth Sandico, Caprice Cayetano, at Elijah Alejo.
Si Gil Tejada ang direktor ng Cruz vs.Cruz na mapapanood ngayong 2025 at hudyat ng kumpirmadong pagbabalik ni Vina sa GMA-7.
Read: Vina Morales, single at "hindi in love"; may co-parenting set-up na with Cedric Lee

VINA MORALES: "ORIGINAL STAR" OF GMA-7
Itinuturing si Vina na "original star" ng GMA-7 dahil nagsimula sa That’s Entertainment ang kanyang television career noong 1987.
Ang That’s Entertainment ang top youth-oriented program noon ng GMA-7 bago nakilala sa official tagline na Kapuso Network ang giant TV station.
Ang Sunday noontime musical-variety show na SOP ang isa sa mga dating regular program ni Vina sa GMA-7.
Ang Codename: Verano (2000), na pinangunahan ni Phillip Salvador, naman ang huling TV show niya bago siya lumipat sa ABS-CBN noong 2001.
Read: Vina Morales on 'Here Lies Love' debut: "Now I can say, 'I am a Broadway actor.'"