Muling nagbabalik-showbiz ang Cebu-based sexy comedienne na si Sunshine Guimary, pitong buwan matapos pumanaw ang kanyang asawa dahil sa heart enlargement noong Hunyo 2024.
Read: Sunshine Guimary buries husband on her 30th birthday
Ang sexy-comedy gag show na Wow Mani ng VMX ang ipinagkatiwala na acting assignment ni Sunshine.
Nagpapasalamat naman si Sunshine dahil masaya at hindi malungkot ang kanyang comeback project sa home studio niya.
“This is my comeback, of course again with Kuya Janno. Everything is comfortable, “ sabi niya.
Unang nakatrabaho ni Sunshine si Janno Gibbs sa comedy movie na Hello, Universe! (2023) kaya ang Wow Mani ang pangalawang beses na pagsasama nila sa isang proyekto.
Read: Janno Gibbs, Sunshine Guimary shaken by "traumatic earthquake" experience in La Union

SUNSHINE GUIMARY ON LOSING HER FATHER AND HUSBAND
Isiniwalat ni Sunshine na hindi madali ang kanyang mga pinagdaanan dahil sa magkasunod na taon na pagpanaw ng tatay at asawa niya. Pero mapalad pa rin daw siya.
Saad niya: “It was hard surviving a life... it’s been like a tunnel.
"It’s lucky na I’m still up. Humuhugot pa rin to continue life, and this project is one of my parang playground.
“Nung bumalik ako, parang nangapa uli. So, from my personal experience with the Lord, parang biglang nagbago.
“The good thing lang is masaya, so nagko-compliment yung energy. It feels like I have freedom.”
Read: Sunshine Guimary’s three-story house in Cebu not spared by typhoon Odette
Ang pakiramdam daw ni Sunshine ay nag-iisa siya dahil sa pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay na tutol sa pagpasok niya sa showbiz.
Lahad ng sexy comedienne, “Before kasi, I was surrounded by a religious family. Ang tingin kasi sa akin ng family, ako yung black sheep.
"So the moment I got engaged, everyone was happy. Parang na-lock ako, which is kalaban ko lahat.
"One day, I woke up, yung mga kalaban na yon, especially my dad, my late husband, biglang ako na lang mag-isa...
“These persons, sila yung wall sa career ko, nasasayangan talaga ako sa hype and part of it, parang hindi nila maintindihan.
“So now, I think it’s time for me to improve yung mga bagay na hindi nila pinapaniwalaan sa akin.
"But nandoon na ako and I know happy sila kasi, according to my dad, ‘Okay, I am happy kung saan mo gusto.’”
Read: Sunshine Guimary says "spark" matters to her more than "sex"