Kinumpirma ni Shaira Diaz sa Cabinet Files na magaganap sa Agosto 2025 ang pag-iisang dibdib nila ni Edgar Allan “EA” Guzman sa isang simbahan sa Silang, Cavite.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Shaira matapos ang live guesting nila ni Ruru Madrid sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, Enero 15, 2025.
Nag-promote ang dalawa ng Lolong: Bayani ng Bayan, ang kanilang action-drama series na mapapanood sa GMA-7 simula sa Lunes, Enero 20.
Read: Shaira Diaz, EA Guzman still practice celibacy on their 12th year
Ibinahagi ni Shaira na sa South Korea niya bibilhin ang wedding gown na kanyang gagamitin sa importanteng araw sa buhay nila ni EA.
Paliwanag niya, ”Sobrang love ko yung Korea, yung culture nila.
"Mahilig ako sa K-drama, sa K-pop, kay Jungkook [ng BTS], so parang gusto kong lagyan ng very personal sa akin.”
Read: Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz reveal they have been engaged since December 2021
View this post on Instagram
SHAIRA-EA WEDDING ENTOURAGE
Isa si Boy Abunda sa mga kumpirmadong ninong sa kasal nina EA at Shaira.
Secondary sponsors naman ang Unang Hirit co-hosts ng aktres na sina Anjo Pertierra at Kaloy Tingcungco, at ang mga kaibigan niyang sina Julia Montes at Arra San Agustin.
View this post on Instagram
Sa panayam sa kanya ni Boy, sinabi ni Shaira na isang intimate wedding ang mangyayari.
Hindi raw puwedeng mawala ang mga taong malapit sa puso nila ni EA na saksi sa pagsisimula ng kanilang pagmamahalan.
Read: Edgar Allan Guzman reveals secret of staying celibate with fiancée Shaira Diaz for 11 years
Natutuwa si Shaira dahil ipinapaubaya sa kanya ni EA ang mga paghahanda para sa nalalapit na pagpapakasal nila.
“Nakakatuwa kasi hinahayaan lang niya ako kung may idea ako na nakikita ko na gusto kong makita sa wedding namin, sine-send ko sa kanya, ipinapakita ko at nagye-yes lang siya.
"Kasi, sabi niya nga, ‘Yung kasal is para sa bride talaga.’
“Parang yun ang day ng bride so ibinibigay po niya sa akin yon. Walang away, walang pressure, walang stress,” sabi ni Shaira.
May payo rin si Shaira kay Ruru tungkol sa isyu ng engagement at pagpapakasal: “Lagi kang makikinig sa gusto ni Bianca. Huwag mo nang tanungin kung bakit.”
Ang "Bianca" na tinutukoy ni Shaira ay ang girlfriend ni Ruru na si Bianca Umali.
Read: EA Guzman at Shaira Diaz, kumusta na ang wedding preparations?