Added attraction sa media conference ng Lolong: Bayani ng Bayan ang video ni Dakila na ipinakikitang lumalangoy sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2 sa Cubao, Quezon City.
Si Dakila ang higanteng buwaya na isa sa mga pangunahing karakter sa Season 2 at nagbabalik-telebisyong action-drama series ng GMA-7 na pinangungunahan ni Ruru Madrid.
Read: What's next for Ruru Madrid after Black Rider?

Malaki ang idinaos na press conference ng Lolong ngayong Lunes ng hapon, Enero 13, dahil sa dami ng mga tampok na artista na mahigit sa tatlumpo.
Bukod kay Ruru, dumalo sa presscon sina John Arcilla, Jean Garcia, Victor Neri, Rochelle Pangilinan, Leo Martinez, Rocco Nacino, Paul Salas, Martin del Rosario, Shaira Diaz, Alma Concepcion, Bernadette Allyson, Rodjun Cruz, Nikki Valdez, Jan Marini, Gerald Pizarras, Mikoy Morales, at marami pang iba.
Galak na galak ang mallgoers dahil nakita nila nang personal ang kanilang mga hinahangaang artista.
Read: MMFF 2024 stars: May mga bagong pasabog ngayong 2025

RURU MADRID'S MOST IMPORTANT LESSON
Inilahad ni Ruru sa media conference ng Lolong: Bayani ng Bayan ang kanyang mga natutunan mula nang magbida siya sa top-rating drama action series ng Kapuso Network.
Saad niya: “Siguro ang pinakanatutunan ko, hindi lang isang aktor na gumaganap bilang si Lolong kundi bilang isang tao.
“Ang pinakanatutunan ko, hindi mo kailangang magkaroon ng superpower para maging isa kang bayani.
“Kumbaga, as long as nakakatulong ka sa iyong kapwa, sa iyong pamilya…nakakapagbigay ka ng inspirasyon sa maraming mga tao, bayani ka.
"Yun kasi ang dadalhin ko habambuhay sa paggawa ng kabutihan."
Lubos ang pasasalamat ni Ruru sa home studio niya dahil muling ipinagkatiwala sa kanya ang pagbibida sa Lolong: Bayani ng Bayan.
Mapapanood simula sa Enero 20, 2025 ang action-series series ni Ruru, pagkatapos ng 24 Oras.
Ito ng dahilan kaya ililipat sa bagong oras ang Mga Batang Riles.
Matagal nang plano ng GMA-7 na ilagay ang Lolong: Bayani ng Bayan sa original timeslot nito noong 2022, na patunay na walang katotohanan ang pang-iintrigang tinatalo ang Mga Batang Riles ng katapat na programa kaya ito ililipat ng timeslot.
Read: TV Ratings: Mga Batang Riles, kumasa ba sa Batang Quiapo?